DA-PhilRice Batac
29/06/2026
HINDI MADALI MAGING GAPproved, PERO NAPATUNAYAN NG RICEBIS COMMUNITIES NA KAYA NILA!
Isang malaking tagumpay para sa ating RiceBIS communities!
Binabati natin ang 21 na magsasaka ng Rayuray Farmers Agriculture Cooperative (RFAC) at Banna Multipurpose Cooperative (BMPC) sa kanilang matagumpay na pagpasa sa Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) Inspection na isinagawa ng Bureau of Plant Industry-Plant Product Safety Services Division, Baguio City.
Sa pamamagitan ng RiceBIS 2.0 Project, mas pinagtitibay ng ating mga kooperatiba ang kanilang pangakong maghatid ng de-kalidad, ligtas, at responsableng produksiyon ng bigas.
GAPproved Ligtas - Mas ligtas ang bawat butil ng bigas para sa bawat pamilyang Pilipino.
GAPproved Malinis - Pagsasakang sumusunod sa mataas na pamantayan ng kalidad at kalinisan.
GAPproved Responsableng Alaga - Pangangalaga sa kalikasan, kalusugan ng mga magsasaka, at kinabukasan ng agrikultura.
Maraming salamat sa Bureau of Plant Industry-Baguio City at DA-Regional Field Office 1 sa inyong patuloy na paggabay at suporta sa ating mga RiceBIS communities.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Brgy. Tabug, Paoay Road, City Of Batac
Batac
2906
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |