Noel Pardo

Noel Pardo

Share

12/05/2025

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na sumuporta at naniwala sa aking kandidatura bilang Provincial Board Member nitong nakaraang 2025 midterm elections.

Ako po ay nagtapos sa ika-6 na pwesto—isang hakbang na lang sana, ngunit lima lamang ang kinakailangang manalo. Sa kabila nito, mananatili po akong handang maglingkod sa inyo, sa abot ng aking makakaya.

Sa ngayon, aking pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng neuro-psycho testing at
iba pang psychological services dito sa Camarines Norte at ang pagbibigay ng oras at pagmamahal sa aking pamilya na siyang naging lakas ko sa buong laban na ito.

Pagbati rin po sa aking mga kasamahan sa partido na nagwagi. Dahil sa kanila, alam kong nasa mabuting kamay ang Camarines Norte.

Muli, nandito lamang po ako, handang tumugon at maglingkod sa inyo.

Noel Teodoro Pardo

07/05/2025
02/05/2025

Ang Mayo ay Buwan ng Kamalayan sa Kalusugang Pangkaisipan.
Unang kinilala noong 1949, ang buwang ito ay nagsisilbing paalala kung gaano kahalaga ang kalusugang pangkaisipan bilang bahagi ng ating kabuuang kalusugan. Sa panahon ngayon, higit kailanman, mahalaga ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol dito at ang pagtulong sa mga nangangailangan upang makakuha ng tamang suporta at gamutan.

02/05/2025

Mag-ingat po tayo sa mga paninira at maling impormasyon na ipinapakalat ng ilang pulitiko ngayong eleksyon.

Hindi lahat ng naririnig o nababasa natin ay totoo. Maging mapanuri, huwag basta-basta maniwala.

Ang boto mo ay mahalaga—gamitin ito nang may pag-iisip at paninindigan.

01/05/2025

PAG-INSTITUTIONALIZE NG MENTAL HEALTH PROGRAMS SA CAMARINES NORTE ISUSULONG NI RETIRED PROVINCIAL JAIL SUPERINTENDENT NOEL TEODORO PARDO, PHD, RPSY, RPM.

Hindi nagtatapos sa pagreretiro ang pagserbisyo-publiko ni Retired Provincial Jail Superintendent Noel Teodoro Pardo, PhD, RPsy, RPM para sa lalawigan ng Camarines Norte. Ito’y matapos ang mahabang pagtatrabaho sa pamahalaan bilang regional psychologist ng BJMP sa CALABARZON at Bicol Region, nais ni Pardo na dalhin sa sangguniang panlalawigan at ituon sa Camarines Norte ang kanyang kasanayan upang maisulong ang mga programa para sa Mental Health ng bawat cam norteño.

Sinabi ng best provincial jail administrator noong siya pa ay aktibo sa serbisyo na panahon na para tutukan ang kalusugang pangkaisipan at mailapit ito sa publiko para sa mas malawak na pang-unawa sa kahalagahan nito sa kagalingan at pagpapaunlad ng sarili.

Ayon kay Pardo, hindi niya bibitawan ang adbokasiyang ito hanggang sa tuluyang maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng mental health sa pang araw-araw na buhay ng tao.

Aniya, nais niyang mainstitutionalize ang mental health programs sa Camarines Norte upang mabigyang prayoridad ang mga nasa mental health crisis. Maisasakatuparan lang aniya ito kung mayroong maayos na mga pasilidad, programa at mapapalakas ang awareness sa pamamagitan ng mga paaralan.

Magugunitang inumpisahan na ng kasalukuyang administrasyon ang pagtutok sa mental health programs matapos na isulong ng majority board members ang isang bersyon ng mental health ordinance. Ayon pa kay Pardo, ang hakbang na ito ay pagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa naturang usapin. Kaya naman, kung siya ay papalarin, mas palalakasin niya pa ang ordinansang ito gamit ang kanyang espesyalisasyon sa psychology at mental health programs.

23/04/2025

Ako po si Noel Pardo lumalaban sa ikalawang pagkakataon bilang Bokal ng Segundo Distrito ng Camarines Norte, bilang isang Psychologist aking patuloy na ipinaglalaban ang aking adbokasiya patungkol sa Kalusugang Pangkaisipan o Mental Health, dahil alam kong isa ito sa pangangailangan ng ating lalawigan ang magkaroon ng pasilidad at programa para sa mental health.

Humihingi po ako ng inyong suporta ngayong darating na halalan, pati narin para sa buong Partidong Team Matapat na pinapangunahan ng ating Gobernador D**g Padilla, Bise Gobernador Joseph Ascutia at Congw. Rosemarie Panotes.

Muli po, Noel Pardo numero 7 sa Balota!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Basud?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Camarines Norte
Basud