Adlayag Publication

Adlayag Publication

Share

Photos from Adlayag Publication's post 23/03/2026

Hinubog ang Bukas, Isinulong ang Pangarap

Suot ang kanilang mga pangarap at dala ang matibay na determinasyon, buong tapang na isinabuhay ng mga mag-aaral ng ika-10 at ika-12 baitang ang kanilang mga ambisyon sa isinagawang Career Guidance Culmination Program 2026, na may temang “Guided by Skills, Ready for the Future: Strengthening Career Competencies for Lifelong Success,” nitong ika-23 ng Marso, bandang alas-3:00 ng hapon.

Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng isang makulay at makabuluhang parada. Tampok dito ang iba’t ibang kasuotan na sumisimbolo sa mga propesyong ninanais tahakin ng kabataan, mula sa medisina, edukasyon, inhinyeriya, hanggang sa larangan ng sining, serbisyo publiko at iba pa.

Mainit namang sinalubong ni Gng. Kathleen Moradas ang mga kalahok at panauhin sa kanyang pambungad na pananalita. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paghahanda, pagpupunyagi, at patuloy na paglinang ng kasanayan bilang pundasyon ng tagumpay sa hinaharap.

Higit pa sa simpleng pagpapakitang-gilas sa kasuotan, ang gawaing ito ay nagsilbing salamin ng pangarap ng bawat mag-aaral, isang paalala na ang bawat unipormeng kanilang isinuot ay kumakatawan sa responsibilidad, sakripisyo, at dedikasyong kaakibat ng kanilang piniling landas.

Bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at pagkamalikhain, itinampok din ang mga mag-aaral na nagwagi sa “Best in Career Attire.” Para sa ika-10 baitang, kinilala sina Christopher Bueno at Jayneth Lumontad (Fuchsia), John Carlo Giganto at Ellaine Margaret Sevilleno (Iris), at Mark Gil Nepangue kasama si Arshaine Claire Lapidez (Maple).

Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral ng ika-12 baitang kung saan hinirang bilang “Best in Career Attire” sina Nelskie Sevilleno at Renalyn Aloyan (Moonflower), Kris John Segobia at Amilyn Teaño (Starflower), at Renz Vincent Alolor at Febe Rose Caraballe (Sunflower).

Sa kabuuan, ang programang ito ay hindi lamang isang selebrasyon ng talento at pangarap, kundi isang makabuluhang hakbang sa paggabay sa mga mag-aaral tungo sa wastong pagpili ng kurso at karera. Sa gitna ng patuloy na pagbabago ng mundo, pinagtitibay nito ang kahandaan ng kabataan na harapin ang hamon ng makabagong panahon at global na kompetisyon.

Sa bawat hakbang, sa bawat pangarap, ang kinabukasan ay unti-unti nang hinuhubog.

✍️ Judelee Gila
📷 Rudy Fuentebella

19/02/2026

BLUSHING? 😳
BROKEN? 💔
IN LOVE? 💘
HAPPY? 😄
CONFUSED? 🥹
OR SECRETLY ADMIRING SOMEONE? 👀✨

Whatever your heart is feeling… this is your moment.

Come and listen to our Dedication Booth by Adlayag Publication at 7 Bluebell 🎤💌
📍 Sulangan Integrated School (Grade-7 bluebell classroom)
🗓 February 20
🎟 Entrance Fee: ₱5.00 only

This is your chance to hear stories of love —
the shy confessions,
the untold crushes,
the silent apologies,
the proud congratulations,
and even the moving-on messages.

Every dedication has a story.
Maybe you’ll hear someone confess.
Maybe you’ll hear someone say sorry.
Maybe… you’ll hear your own perspective of love. 😉

Express your feelings.
Let your heart be heard.
Or simply listen and feel the kilig, the happiness, and even the heartbreak in the air.

Because sometimes, listening to someone’s love story
makes you brave enough to write your own. 💞✨

P.S. Don’t forget to bring a handkerchief or tissue…
Some stories will make you blush,
some will make you smile,
and some might gently break your heart. 🥹💗

See you at 7 Bluebell — where stories of love are spoken out loud. 🎶💐

—words by: Christopher Bueno

Want your business to be the top-listed Media Company in Bantayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Sulangan, Cebu
Bantayan
6052