STOP Exploitation

STOP Exploitation

Share

12/04/2026

NEWS | Farmers in the Ilocos Region urged the use of local government to***co excise tax shares for subsidies, as rising fuel and fertilizer costs push production expenses beyond what they can sustain.

Read more: https://bit.ly/4cCSRRF

Nordis file photo

03/04/2026

๐’๐“๐Ž๐ ๐„๐—๐๐Ž๐ˆ๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐: ๐๐“๐€, ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐‹๐๐ˆ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐„๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐๐† ๐“๐€๐๐€๐Š๐Ž!

Isang kasinungalingan ang inilabas na pahayag ng National To***co Adminstration (NTA) nitong Abril 2, 2026 hinggil sa umanong โ€œpagresolba sa usapin ng grading system sa mga trading centers sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo sa mga magsasakaโ€ dahil hanggang ngayon, hindi pa rin naman nareresolba ang pangkabuuang problema hinggil sa klasipikasyon. Dekada ng ipinapanawagan ng Solidarity of Peasants Against Exploitation (STOP Exploitation) ang pagtanggal sa sistema ng klasipikasyon sa mga ibinebentang tanim na tabako ng mga magsasaka.

๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ผ ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ? Itoโ€™y dahil matagal na nilang inirereklamo na ito ay nagiging paraan lamang ng pandaraya at pambabarat sa kanila ng mga kompanya at traders. Nakabatay lamang ito sa suhetibong pagsusuri ng mga technician, kaya hindi makatarungan ang presyong ibinibigay sa kanilang ani. Sa karanasan, matapos i-grado ang tabako ay pinagsasama-sama rin naman ito sa bodega at sa mismong paggawa ng sigarilyo at iba pang produkto; pinaghahalo-halo din naman ito kahit magkakaibang klase pa ito.

Kaya kahit ilang beses pang ipagmalaki ng NTA na kanilang โ€œniresolbaโ€ ang mga usapin sa paggrado, kahit ilang beses sila magsagawa ng mga dayalogo, kung hindi nila pakikinggan ang matagal nang panawagan na ๐—œ๐—•๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—ฅ๐—”๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ฌ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐— , mananatiling pasan ng mga magsasaka ang paghihirap at mas lalong nagiging malinaw na ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐„๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐๐† ๐“๐€๐๐€๐Š๐Ž ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐ˆ๐๐”๐”๐๐€, ๐Š๐”๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐„๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‘๐€๐ƒ๐„๐‘๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐๐€๐๐˜๐€.

Ilang beses na itong napatunayan sa mga nagdaang To***co Tripartite Consultative Conference (TTCC) lalo na noong Oktubre 2025, kung saan lantarang hinayaan ng NTA na matuloy ang konsultasyon kahit naman wala at hindi pinakinggan ng mga traders at kompanya ang presentasyon ng mga magsasaka ng tabako mula sa ibaโ€™t-ibang probinsya. Sa huling araw na lamang ng konsultasyon dumalo ang mga traders, kompanya, at wala pa ang presensya ng pinakamalaking trader na Universal Leaf (ULPI), ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ค๐จ ๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ฐ๐ž๐ฅ๐จ ๐๐ž ๐›๐จ๐›๐จ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐š๐  ๐๐ˆ๐’๐Ž ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ฅ๐จ๐จ๐ซ ๐ฉ๐ซ๐ข๐œ๐ž ๐ง๐  ๐ญ๐š๐›๐š๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐‡๐ˆ๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐ˆ๐“๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐๐†๐˜๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐๐“๐€.

Kaya naman nananatiling mahigpit na pinanghahawakan ng STOP EXPLOITATION ang panawagan nitong itaas ang floor price ng tabako sa minimum Php200 kada kilo, tanggalin ang sistema ng klasipikasyon, ipatupad ang makatarungang kontrata, at tiyakin na ang to***co excise tax ay tunay na nagsisilbi sa mamamayan. Hindi sobra ang panawagang Php200 kada kilo - ito ay makatarungan at nararapat upang masigurado na mabawi ng mga magsasaka ang kanilang ginastos sa produksyon at makabawi sa matagal na pagkalubog sa utang.

Sa patuloy na pambabarat sa presyo ng tabako, lalo pang pinabibigat ang kalagayan ng mga magsasaka ng tabako dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Sa kasalukuyan, inaasahang patuloy pang tataas ang presyo ng petrolyo at maaaring umabot sa Php170 kada litro.

Bukod pa dito, hinahamon din namin ang NTA na maging tunay na representasyon ng mga magsasaka at hindi ng mga mapagsamantalang traders at kompanya.

Kaya naman nananawagan kami: ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐๐† ๐“๐€๐๐€๐Š๐Ž, ๐Œ๐€๐†๐Š๐€๐ˆ๐’๐€! ๐ˆ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐€๐“๐€๐‘๐”๐๐†๐€๐๐† ๐๐‘๐„๐’๐˜๐Ž ๐€๐“ ๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐!

# # #

Reference:

Julie Balangue
Regional Spokesperson
STOP Exploitation-KMP Ilocos

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Bantay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Bantay