OLMC Riders & Procession Assistance - Est. 2019
12/01/2026
04/01/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Sa pagdiriwang ng Epipanya o Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, ating buksan ang ating mga tahanan at puso upang tanggapin si Kristo sa ating buhay.
Gamit ang binasbasang tisa (chalk), isusulat sa hamba o pintuan ang ๐๐ + ๐ + ๐ + ๐ + ๐๐, na sumasagisag sa kasalukuyang taon at sa pangalan ng Tatlong Pantas Caspar (o Gaspar), Melchor, at Baltazar. kasama ang panalanging โChristus Mansionem Benedicatโ na nangangahulugang โNawaโy pagpalain ni Kristo ang tahanang ito.โ Isang simpleng tanda ng pananampalataya at panalangin para sa pagpapala ng bawat tahanan.
Mamamahagi ng mga binasbasang tisa (chalk) sa bawat Misa ngayong Sabado at Linggo. Maaaring makuha ang mga ito sa Main Entrance ng simbahan.
13/12/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐! ๐ค
13/12/2025
"Sa Kanyang pagdating, pag-ibig Niyaโy ating kamtan;
Kaligtasaโy naghihintay, pag-asang walang hanggan.
Pusong nagagalak, taimtim na naghihintay
Si Kristoโy darating, Liwanag na walang kapantay.โ
Panahon ng Adbiyento panahon ng pag-asa at paghahanda.
Our Lady of Mt. Carmel Parish, Sabang, Baliuag City, Bulacan
07/12/2025
๐๐ฅ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ต๐ฐ๐ด ๐๐ฏ๐ฏ๐ฐ๐ด, Mons. Flint!
Happy 48th Sacerdotal Anniversary, Rev. Msgr. Filemon M. Capiral H.P.
Ang aming taos-pusong pagbati Mons. Flint, mula sa OLMC Riders & Procession Assistance - Est. 2019
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐, ๐.๐.
Sa pag-ikot ng apatnapuโt walong taon ng kanyang banal na paglalakbay, ang buhay ni Monsignor Flint ay naging matatag na haligi ng pananampalataya. Ang kanyang buhay bilang pastol ay patotoo ng pag-ibig ni Kristo at isang matibay na huwaran ng karunungan, malasakit, at kabanalan. Sa araw na ito ng pasasalamat, atin siyang ipinagkakatiwala sa mapagkalingang bisig ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo, ang Ina na nagtatakip-silong sa mga lingkod ng Diyos sa lilim ng Kanyang kabanal-banalang balabal.
Nawaโy ihatid niya si Monsignor sa panibagong lakas, panibagong alab, panibagong sigla sa patuloy na pag-aalay ng sarili sa lalong ikadadakila ng Diyos. Sa pagdiriwang ng kanyang ikaโ48 taon, sumasabay ang ating puso sa panalangin at pagpupuri: Nawa ang Diyos ang maging Kanyang kalakasan, ang Birheng Ina ang maging Kanyang gabay, at ang Sambayanan ang maging Kanyang katuwang sa paglalakbay.
Ad multos annos, Monsignor Flint!
Nawaโy magpatuloy ang iyong paglilingkod bilang awit ng pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan.
04/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐, ๐.๐.
Sa ilalim ng paggabay ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo, ay inaanyayahan namin ang buong sambayanang mananampalataya sa pagdiriwang ng ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ng ating minamahal na Kura Paroko, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐, ๐.๐.
Sa darating na Linggo, Ikaโ7 ng Disyembre. 8:00 N.U. Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon. Sa diwa ng pag-ibig ng Diyos, tayo ay magtipon upang magpasalamat para sa biyayang bokasyong kanyang ipinagkaloob.
28/11/2025
๐๐ฅ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ต๐ฐ๐ด ๐๐ฏ๐ฏ๐ฐ๐ด, ๐๐ข๐ฅ๐ณ๐ฆ ๐๐ข๐ฌ๐ข!
Happy 22nd Sacerdotal Anniversary, Rev. Fr. Francis Protacio S. Cortez, III, OSA.
Ang aming taos-pusong pagbati Padre Kaka, mula sa OLMC Riders & Procession Assistance - Est. 2019 ๐ค
28/11/2025
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa araw na ito, buong kagalakan nating ginugunita ang Ika-22 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rdo. P. Francis Protacio S. Cortez, III, O.S.A., isang pastol na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang malasakit, pananampalataya, at tapat na paglilingkod sa Simbahan.
Kaisa ang sambayanan ng Diyos sa Parokya ng Mahal na Ina ng Bundok ng Carmelo, at sa pangunguna ni Monsignor Flint Capiral, ipinahahayag natin ang taos-pusong pasasalamat sa biyayang hatid ng kanyang bokasyon. Ang kanyang presensya ay naging katuwang sa pagpapatibay ng ating pananampalataya at paghubog sa ating buhay-Kristiyano.
Nawaโy pagpalain pa siya ng Panginoon at patuloy na gabayan ng Mahal na Birheng Maria sa lahat ng yugto ng kanyang paglilingkod. Dasal namin ang higit pang lakas, karunungan, at pag-ibig sa kanyang patuloy na paglalakbay bilang alagad at lingkod ni Kristo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rio Vista Subd. Sabang
Baliuag
3006