KUYA MAYOR
09/05/2026
Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng tahanan dito sa Balete at sa buong bansa!
Sa bawat sakripisyo, pagmamahal, at walang sawang pag-aaruga ninyo sa inyong pamilya, kayo po ang tunay na inspirasyon ng ating komunidad. Maraming salamat sa inyong tibay, malasakit, at pagmamahal na siyang gabay ng bawat tahanan.
Nawaโy mapuno ng saya, pagmamahal, at pagpapahalaga ang inyong espesyal na araw. Mabuhay po kayong lahat! ๐โค๏ธ
โ Wilson V. Maralit
Punong Bayan, Balete
04/05/2026
Magandang umaga, Bayan ng Balete!
Isinagawa ngayong araw ang ating lingguhang Flag Ceremony sa pangunguna ng ating mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Balete. Sama-sama nating itinaguyod ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa ating bayan.
Patuloy po nating pag-ibayuhin ang serbisyong tapat at maaasahan para sa bawat mamamayan ng Balete. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang mas lalo pa nating mapaglingkuran ang ating komunidad nang may integridad at dedikasyon.
Maraming salamat po at mabuhay ang Balete!
๐ต๐ญ
29/04/2026
๐ข Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarterly Meeting ng Balete Womenโs Association ng LGU, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang barangay sa pangunguna ng aking butihing may bahay na presidente ng Balete Women's Association, ang inyong Mayora Lally C. Maralit.
Bilang bahagi ng pagpupulong, matagumpay na isinagawa ang awarding ceremony para sa mga barangay na nanguna sa pangongolekta ng mga recyclable na boteโisang hakbang na naglalayong palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran. โป๏ธ
๐ Per Kilo Category
๐ฅ Unang Gantimpala โ Looc
๐ฅ Ikalawang Gantimpala โ Calawit
๐ฅ Ikatlong Gantimpala โ Sampalocan
๐ Per Piece Category
๐ฅ Unang Gantimpala โ Sampalocan
๐ฅ Ikalawang Gantimpala โ Malabanan at Looc
Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng bawat barangay upang maisulong ang mga programang pangkalikasan at mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad.
๐ Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nag-ambag sa tagumpay ng gawaing ito. Nawaโy magpatuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa mas malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.
23/04/2026
๐โจ OJT COMPLETION โจ๐
Isang taos-pusong pagbati sa mga Tourism Students mula sa Tanauan Institute sa matagumpay na pagtatapos ng kanilang On-the-Job Training (OJT)! ๐๐
Ang inyong sipag, dedikasyon, at propesyonalismo ay tunay na kahanga-hanga. Nawaโy magsilbing matibay na pundasyon ang inyong karanasan sa OJT sa pag-abot ng inyong mga pangarap sa larangan ng turismo. โ๏ธ๐๏ธ
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kontribusyon. Nawaโy dala ninyo ang mga aral at magagandang alaala saan man kayo dalhin ng inyong landas. ๐
Padayon at mabuhay kayo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Balete