San Rafael Archangel Chapel

San Rafael Archangel Chapel

Share

Photos from San Rafael Archangel Chapel's post 26/05/2026

π“πˆππ†ππ€π β”‚ πŒπ€π˜π”π‡π€π πŸπŸŽπŸπŸ”

Matapos ang matagumpay na Sagala, patuloy ang Mayuhan sa Brgy. Buhangin sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at panalangin para sa Mahal na Birheng Maria.

Maraming salamat po sa pakikiisa ng mga magulang, sa aktibong pakikilahok ng mga bata, at sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Ang inyong suporta at debosyon ang patuloy na nagbibigay-buhay sa ating tradisyon ng Mayuhan taon-taon.

Nawa’y manatili ang pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria sa ating komunidad.

Photos from San Rafael Archangel Chapel's post 25/05/2026

π“πˆππ†ππ€π β”‚ 𝐒𝐀𝐆𝐀𝐋𝐀 πŸπŸŽπŸπŸ”

Matagumpay na naisagawa ang Sagala 2026 ng Brgy. Buhangin bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng Flores de Mayo at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Sa ika-21 taon ng tradisyong ito, muling ipinamalas ng ating komunidad ang pagkakaisa, pananampalataya, at pakikiisa sa pamamagitan ng makulay na prusisyon at taimtim na pagdiriwang.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na Sagala 2026 ng Brgy. Buhangin. Nawa’y patuloy nating mapanatili ang tradisyong ito para sa mga susunod pang taon.

24/05/2026

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ β”‚ 𝐒𝐀𝐆𝐀𝐋𝐀

Ngayong Mayo 24, 2026, ganap na ika-5:56 ng hapon, nakabalik na ang imahen ng Our Lady of Miraculous Medal sa Kapilya ni San Rafael Arkanghel bilang pagtatapos ng Sagala.

Photos from San Rafael Archangel Chapel's post 11/05/2026

𝐏𝐀𝐆-π€π€π‹π€π˜ 𝐍𝐆 ππ”π‹π€πŠπ‹π€πŠ 𝐒𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€

Ngayong araw, Mayo 11, 2026, ganap na ika-5 ng hapon ay nagsimula na ang pagrorosaryo at pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria na pinangunahan ng MSK Buhangin Purok 4.

Isasagawa ito araw-araw ganap na ika-5 ng hapon hanggang Mayo 31, 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan na makiisa at dumalo sa banal na gawaing ito bilang pagpapakita ng pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa ng ating komunidad para sa Mahal na Birheng Maria.

π€π―πž 𝐌𝐚𝐫𝐒𝐚!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Baler?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Baler