Mga Kasocsci Organization
08/05/2026
𝐆𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥, 𝐆𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 ✨
May mga gabi na ang liwanag ay hindi lang para magbigay aliw kundi para ipakita ang bunga ng bawat sakripisyo at pagsusumikap.
Sa isang pagtitipon kung saan ang pangalan ay may kwento at ang bawat hakbang ay may pinanggalingang laban, kikilalanin ang mga lider na hindi lang naglingkod kundi nagbigay saysay sa kanilang tungkulin.
At sa pagdating ng gabing ito, unti unting mabibigyang tinig ang mga kwento ng dedikasyon, tiyaga, at malasakit na bumuo sa isang komunidad ng mga lider na patuloy na itinataguyod ang pamantayan ng kahusayan.
Sa temang
“𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐋𝐢𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐨: 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐧𝐢𝐧𝐬𝐮𝐥𝐚𝐫𝐞𝐬,”
isang gabi ng makabuluhang pagkilala ang magaganap kung saan ang tunay na halaga ay nasusukat sa integridad, serbisyo, at impluwensyang iniwan sa komunidad.
Mula sa BPSU Balanga Campus, ipinagmamalaki ang mga lider na hindi lang umaangat para sa sarili kundi para sa buong pamantasan.
Sa gabing ito, bawat pagsisikap ay may halaga.
Bawat ambag ay may lugar.
At sa huli
ang dangal ay hindi lang ipinagdiriwang
ito ay sumasalamin sa lakas ng lideratong tunay na atin. 🏆
𝐃𝐔𝐍𝐎𝐍𝐆. 𝐆𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆. 𝐓𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Address
Poblacion
Balanga
2100