Kobed Complex
18/10/2021
Patuloy po ang ating pakikihalubilo sa mga mahal nating nakatatanda. Kita po uli tayo sa susunod na linggo. Salamat po at parating mag-iingat!
PAALALA: Sa mga hindi po kaya pumunta ng dahil sa kanilang karamdaman, ay maaari pong imessage ang aming page para kami na po ang pupunta sa kanilang kabahayan.
03/10/2021
Magandang araw mga ka-Balagtas!
Binuksang muli ang ating bakuran upang makapag-abot ng bahagyang tulong sa mga vulnerable sectors.
Ang Kobed Complex ay nagsisilbi ring activity center para sa kanila.
Sa mga gustong pumunta ay maaari lamang na magmessage/magpalista sa aming page upang makapagpaschedule dahil sa pandemya at bilang pagsunod na rin sa safety protocols.
Bukas ang complex tuwing Linggo mula 8 am hanggang 10 am.
Maraming salamat at palaging mag-ingat!
30/09/2021
Ang paglilingkod sa kapwa, ay tunay na kalugud-lugod sa Panginoong Diyos! Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. Taglay nila ang malakas na katawan, malayang kaisipan at dalisay na pagmamahal sa kapwa. Inaanyayahan ko ang mga gustong magboluntaryo na makibahagi sa adbokasiyang magsusulong sa kaginhawaan ng mga vulnerable sector (senior citizen, person with disability, solo parent, indigent, CAR at CICL).
Samahan niyo ako at maging caretaker ng Kobed Complex. BUKAS ANG ATING TAHANAN TUWING LINGGO (7:00 am onwards). Ang gawaing ito ay purong volunteerism. Ipakita natin ang ating malasakit sa mga higit na nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit o pabuya. Taas noo, ikarangal natin na ang Bayan ng Balagtas ay hindi lamang lugar ng matulain at makata; kundi, isang mapagkalingang komunidad na naghahari ang pagdadamayan, pagmamahalan at pagkakaisa. PM, comment or magtext na po sa ating mga numero.
Binabati ko po ang 40 lolo’t lola, 7 PWD, 2 solo parent at 1 Child at Risk (50 beneficiaries) sa unang pagbubukas ng ating pintuan kamakailan. Sana ay patuloy na lumawig ang ating pamilya. Mag-ingat po tayo lagi at magkitang muli sa mga susunod na Linggo.
PAALALA: Ugaliing magpalista bago bumisita. Ipractice ang safety protocols at tanging mga bakunado lamang ang maaari munang dumalo. SALAMAT PO!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Barangay Panginay
Balagtas
3016
Opening Hours
| 7am - 10am |