Pastor Derick Circuit Rider
31/07/2025
🛏️ doon sa Shaanxi, sa Tsina, mayroong Isang lalake na nag-aalaga sa kanyang Ina na may malubhang karamdaman. Nakatulog ito sa tabi ng kanyang Ina.
Nang magising ang lalaki... Patay na Ang kanyang Ina.
💔 Subalit nang tingnan niya sa CCTV, Nakita niya: na sa huling sandali ng kanyang Ina, Nakita nito na walang kumot Ang kanyang anak...
Kaya ginamit ng ina ang huling hibla ng kanyang natitira pa na lakas upang hilahin ang kumot at lagyan ng kumot ang anak. Pagkatapos ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata- magpakaylanman.
👶 Inaruga niya ang anak noong isilang niya ito.
👵Inaruga pa rin niya bago siya pumanaw.
Ipinakita pa rin niya ang pagmamahal sa mga huling sandali niya. ❤️
Moral Lesson: Isa lang ang permante sa ating mundo, ito ay ang pagbabago. Ang isang halimbawa nito, malungkot mangisipin ay kung gaano kabilis mawala ang buhay ng isang tao.
Kasama mo lang kahapon subalit sa isang iglap ay pwedeng lumisan na sa mula sa atin nang walangpaalam. Walang premonition o anumang pahiwatig kaya naman talagang pinahahalagahan natin ang bawatsegundo sa piling ng ating pamilya at mga kaibigan.Mawala na ang lahat, wag lang ang ating mgapinakamamahal.
Masakit ang mawalan ng kahit sino mang kasamahanmaging ito man ay kapamilya o kaibigan.
Sabi nga nila…una-una lang talaga.
Walang nakakaalam kung kailan at kung paano tayo lilisan.
Sa mga nagdaang taon, maraming tao ang nawalan, inalisan, iniwan ng kanilang mga mahal sa buhay
Napakaikli ng buhay.
Napakahirap na unawain ang lahat ,…pamilya, ibang tao, mga pangyayari sa buhay.
Kadalasan ay naliligaw pa tayo at palaging nagkakamali.
Sana matutunan nating magpatawad, mag-aruga at magmahal pa.
Napakaikli ng buhay at panahon para sayangin lamang ito sa galit, p**t at kasiraan.
Totoo yan, maikli lang ang buhay. Hindi natin nakikita ang hinaharap. Hindi natin kayang kontrolin ito. At hindi rin natin hawak ito.
Kaya walang perpekto sa mundo.
Maikli lang ang buhay, kaya wag mong sayangin ang mga pagkakataon sa mga bagay na wala kang mapapala.
Maikli lang ang buhay, kaya gumising ka na ng umaga bago ka pa abutan ng hapon sa gawain mo.
Buhay mo 'to, gawin mo lahat ng gusto mo. Kung may hindi ka gusto, ibahin mo. Kung hindi mo gusto ang trabaho mo, umalis ka. Kung wala ka nang sapat na oras, tigilan mo na ang panonood sa telebisyon. Kung hinahanap mo ang taong mahal mo na makakasama mo sa buhay, tumigil ka, maghihintay sila sayo kapag sinimulan mo nang gawin ang mga gusto mo. Tigilan mo nang mag-analyze, lahat ng emosyon maganda. Kapag kumakain ka, i-appreciate mo ang bawat nguya mo.
Simple lang ang buhay. Buksan mo ang utak, palad at puso sa mga bagay na bago sayo at mga taong makikilala mo, dahil malaya tayo sa pagkakaiba. Tanungin mo ang taong makikita mo sa daan kung anong pangarap nila sa buhay, at ikwento mo rin sa kanila ang pangarap mo. Maglakbay ka kahit saan. Pag nawala ka, mas nakakatulong ito kung paano mo hahanapin ang sarili mo. Ang malaking pagkakataon ay minsan lang dumating sa buhay, kaya gawin mo na ito.
Ang buhay ay tungkol sa pagkilala mo sa ibang tao, at paggawa ng kung anong magagawa mo sa kanila. Maikli lang ang buhay, buhayin mo ang iyong panaginip at gamitin ang iyong galit.
Maikli lang ang buhay, at nasa sa iyo ito kung paano mo bibigyan ng tamis. Maikli lang ang buhay para sayangin ang oras mo sa pagpapairal ng galit mo sa ibang tao. Maikli lang ang buhay, kaya wag ka nang mahiya. Maikli lang ang buhay, kaya wag kang tanga. Maikli lang ang buhay, kaya easy ka lang.
Sa sobrang ikli ng buhay naten, maraming mabilis na pangyayari ang nagaganap sa buhay naten. Marami tayong detalyeng nakakaligtaan, at marami tayong taong makikilala. Maikli lang ang buhay, pero mahaba ang panahon.
Kaya ngayon pa lang, magpatawad ka na sa mga nakagalit mo.
Ipakita mo na ang pagmamahal mo sa ibang tao.
At wag mong palalampasin ang mga bagay na makakapagpangiti sayo.
Ang Buhay natin ay hiram lang, kaya huwag natin sayangin ang araw at oras sa mga bagay na walang kabuluhan.🔥
📖KAWIKAAN 27:1 ASND
Huwag mong ipagyabang ang gagawin mo bukas, sapagkat hindi mo alam kung anong mangyayari sa araw na iyon.
📖SANTIAGO 4:14 ASND
Sa katunayan, hindi nʼyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos.
📖MATEO 25:13 MBBTAG12
Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”
ALL GLORY TO GOD 👑☝🏻
24/12/2024
Kanina nung pauwi ako, naririnig ko si kuya na may kausap sa phone 😔😢
Anak : “Pa asan kana? wala si mama hinintay ka kanina pa.”
Kuya: ”Pauwi na ako nak.“
Anak: “Pa me pasalubong kang dala? “
Kuya: “ Oo ₱400 lang kinita ko ngayon,
yung ₱200 binili ko ng doughnut nyong magkapatid papasko ko na sa inyo.”
Anak: “Okay lang yun Pa Uwi kana tapos pahinga, Kahit wala tayo handa bukas basta makauwi ka okay na yon “
Alam mo yon sa maliit na halaga na kinita nya sa isang araw binili nya pa yung magpapasaya sa mga anak nya . Kahit pagod sya sa trabaho nya he still able to manage na makauwi kahit 200 nalang natitirang pera sa kanya.😢
Lesson: Tayo kumikita ng libo libo but we sometimes fail to appreciate the small things.
Maging thankful tayo lagi sa lahat ng biyayang natatangap natin kahit gaano man ito kaliit.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
Baguio City
2600