Pinoy Boxing Prodigy
09/06/2026
Magandang balita para sa Philippine boxing. Sa pinakabagong Ring Magazine Flyweight rankings, umakyat si Miel Fajardo sa No. 6 mula sa dating No. 8, habang si AJ Paciones ay nakakuha ng puwesto sa rankings bilang No. 10.
Ring Magazine Flyweight Rankings
Champion: Vacant
1. Ricardo Rafael Sandoval
2. Masamichi Yabuki
3. Anthony Olascuaga
4. Galal Yafai
5. Felix Alvarado
6. Miel Fajardo
7. Joselito Velasquez
8. Yoali Mosqueda
9. Abraham Perez
10. Arvin Paciones
09/06/2026
TALE OF THE TAPE
Bilang mandatory challenger, si Miel "Silent Assassin" Fajardo ang susunod na may pagkakataong hamunin si IBF World Flyweight Champion Masamichi Yabuki. Narito ang paghahambing ng kanilang mga numero.
08/06/2026
Mas malakas umano manuntok si Naoya Inoue kaysa kay John Riel Casimero, ayon kay Luis Nery sa panayam na iniulat ni Nick Giongco ng Daily Tribune.
Matatandaang anim na beses bumagsak si Nery sa laban nila ni Casimero nitong June 6 bago tuluyang matalo via 4th-round TKO. Samantala, sa kanyang laban kay Inoue noong 2024, tatlong beses naman siyang bumagsak bago natalo via 6th-round TKO.
Sa kabila ng anim na beses na pagkakabagsak at mas maagang pagkatalo sa kamay ni Casimero, naniniwala si Nery na mas mabigat pa rin ang suntok ni Inoue.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Philippines
Baguio City