The Good Stuff

The Good Stuff

Share

25/09/2025

“KAHIT KAILAN..”

Mariing itinanggi ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ang paratang na siya’y tumanggap ng kickbacks mula sa flood control projects. Giit niya, wala siyang ninakaw na pondo ng bayan.

“Kahit kailan, hindi ako nagnakaw ng pondo ng bayan. Hindi ko kailangan ang perang galing sa masama.”

Ang pahayag ay direktang tugon sa testimonya ni Guteza, na umamin na personal siyang naghatid ng mga maleta ng pera—tinatawag nilang “basura”—na naglalaman umano ng tig-₱48 milyon cash. Ang mga maletang ito ay regular na dinadala umano sa condo ni Co sa Bonifacio Global City at sa bahay ni dating Speaker Martin Romualdez, tatlong beses kada linggo.

Dagdag pa ni Guteza, minsan ay 46 na maleta ng pera ang dinala ni ACT-CIS Rep. Eric Yap sa bahay ni Co.

24/09/2025

“DAPAT PERA PALA..”

Yan ang sagot ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kay House Deputy Speaker Janette Garin matapos magpaliwanag si Garin sa media na nairita siya nang i-poke ni Barzaga ang cellphone sa kanyang mukha habang nagla-live.
“He was poking his phone on my face. Sabi ko, ‘huwag kang ganyan.’ I don’t think it’s also nice… na ipo-poke mo yung telepono sa mukha mo.”

Sa kanyang facebook, sumagot si Kiko:

“SORRY CONG GARIN, DAPAT PALA PERA YUN PARA HAPPY KA”

Matatandaang sa viral facebook live video, nagtangkang magtanong si Barzaga kay Sandro tungkol sa kalagayan ng kanyang Tito Romualdez:

“Komusta na yung kaso ni Tito Romualdez mo?”

Hindi sumagot si Sandro, at agad namang pumagitna si Iloilo Rep. Janette Garin at itinulak ang cellphone ni Barzaga upang awatin ito, sabay sabi ng: “’Wag ganyan boss.”

24/09/2025

Cong. Barzaga to Cong. Sandro Marcos: Kumusta na yung kaso ng Tito Romualdez mo?

Want your business to be the top-listed Advertising & Marketing Company in Bacoor?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bacoor
4102