Mayor Allan "AR" Roldan

Mayor Allan "AR" Roldan

Share

Photos from Mayor Allan "AR" Roldan's post 10/06/2026

𝗦𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗟𝗠𝗣-𝗢𝗠𝗖 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗔. 𝗥𝗼𝗹𝗱𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘂𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘂𝘀𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗧𝗢

Aktibong nakiisa at dumalo si Mayor Allan A. Roldan sa pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Oriental Mindoro Chapter na kung saan tinalakay ang iba't ibang usapin at katanungan kaugnay ng mga serbisyo at programa ng Land Transportation Office- MIMAROPA, kahapon.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa publiko, layunin nitong higit pang palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga umiiral na isyu at masiguro ang mas maayos, mabilis, at epektibong serbisyo para sa kapakinabangan ng mamamayan.

10/06/2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗢𝗨𝗥𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗢, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡 💧

Kaninang umaga, bago magtungo sa tanggapan, muling personal na ininspeksyon ni Mayor Allan A. Roldan, kasama si Engr. Rienjell Magsino-Lontoc, ang isinasagawang pagsasaayos sa bagong natural water source na matatagpuan sa Barangay Bayanan, Baco.

Unti-unti nang naisasakatuparan ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng mga mamamayan at bilang isa sa mga pangmatagalang hakbang ng Lokal na Pamahalaan upang makatulong sa pagtugon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa kabayanan.

Photos from Mayor Allan "AR" Roldan's post 08/06/2026

𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗔𝗜𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟳, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖 𝗕𝗔𝗖𝗢 🚨

Nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa Tanggapan ng Punong Bayan upang talakayin ang MDRRM Annual Investment Plan (AIP) 2027, na nakatutok sa pagpapatibay ng mga lokal na programa sa kahandaan at kaligtasan sa pamahon ng sakuna, Hunyo 08, 2026.

Sa direktiba ni Mayor Allan A. Roldan (MDRRMC Chairperson), pinangunahan ni MDRRMU-OIC Kristine Lile Escueta ang paglalahad ng mga proyekto at programang pangkaligtasan para sa susunod na taon.

Kaugnay nito, nakiisa sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya at kagawaran gayundin sina Committee Chairperson on Disaster Preparedness/ Konsehal Marciano Ical, at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan tulad ni Konsehal Jay Lorence Najito sa pamumuno ni Vice Mayor Eric Castillo (MDRRMC Vice Chairperson).

Ang pagtitipon ay bahagi ng nagkakaisang hakbang ng lokal na pamahalaan upang patuloy na mapatibay ang mga programa para sa kapakanang pangkaligtasan ng ating mga kababayan.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Baco?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Baco