Maria Corazon Subdivision Home Owners Association - MCSHA
π’ PAALALA SA MGA HOA (PROPER)
Inaanyayahan po ang lahat ng HOA sa Proper na magpadala ng 1β2 kinatawan para sa isang mahalagang pagpupulong kaugnay ng nalalapit na selebrasyon ng ating kapistahan.
π
April 15, 2026
π 1:00 PM (After Lunch)
π Barangay Session Hall
Paksa: Fiesta Celebration β Paghahanda para sa Flores de Mayo
Listahan ng mga HOA:
Maria Corazon Subd. I
Ma. Corazon Ph. 2 & 3
Tumana Subd.
Cupang Tamenggo Remnants
Sierra Vista
ELMARS
Villa Maria II
Villa Maria I (COD)
Saarland
La Unica Hija 3
El Missionary HOA
π Inaanyayahan din po, kung maaari, ang mga HOA sa Tamenggo na non-INC members, bilang paggalang sa kani-kanilang paniniwala.
Mahalaga po ang inyong presensya para sa maayos na koordinasyon ng ating selebrasyon. Maraming salamat po!
10/04/2026
May negosyo ka ba? I-promote na yanβLIBRE lang! π
Tuwing Friday, i-comment lang ang inyong produkto o serbisyo at maibabahagi ito sa buong komunidad.
Suportahan natin ang isaβt isa! π
09/04/2026
π’ LIBRENG OPERATION TULI 2026
Inaanyayahan po ang mga magulang na ipasali ang kanilang mga anak sa Libreng Operation Tuli na gaganapin sa April 14, 2026 sa Cupang Main Health Center sa tabi ng Brgy Hall.
09/04/2026
π’ PAALALA / AWARENESS SA MGA RESIDENTE
Mag-ingat po tayo sa mga nagpapanggap at posibleng manloloko na umiikot sa ating lugar.
May naiulat na modus kung saan may kumakatok sa bahay at nagpapanggap na kamag-anak ng dating trabahador o nagsilbi sa naturang bahay. Umiiyak at humihingi ng pasensya dahil sa abala, at hindi umaalis hanggaβt hindi nabibigyan ng pera o tulong.
β οΈ Paalala: β’ Huwag basta magpapapasok ng hindi kakilala
β’ I-verify muna ang pagkakakilanlan
β’ Huwag magbigay agad ng pera
β’ I-report agad sa Barangay o HOA ang kahina-hinalang tao
Makipag-ugnayan po tayo sa isaβt isa upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.
29/03/2026
πΏ PABASA 2026
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagninilay ngayong Mahal na Araw.
Sama-sama po tayong magnilay at manalangin. π
Magkakaroon po ng Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Maria Corazon Subdivision Homeowners Association (MCSHA).
π
March 11, 2026
π 10:00 AM
π Session Hall, Brgy. Cupang
Newly Elected Officers:
President: Tereso Stephen Tan
Vice President: Rosario Segarra Cabalu
Secretary: Romela Marquez
Treasurer: Mary Rose D. Acosta
Auditor: Lozaida Eniceo Nadunza
PRO: Giovanni Palo
Sergeant-at-Arms: Octaviano Sorro, Jaime Pepito
Board of Counsel:
Gloria Domingo
Leonora Praxidio
03/03/2026
Hinihikayat po namin ang lahat ng residente na dumalo at bumoto sa nalalapit na eleksyon ng ating HOA officers.
March 7, 4PM, St. Joseph Chapel
Ang inyong boto ay mahalaga para sa kinabukasan at kaayusan ng ating komunidad. π³οΈ
Makilahok, makiisa, at maging bahagi ng pagbabago! π
π’ EMERGENCY MEETING
Inaanyayahan ang lahat ng residente na dumalo sa isang Emergency Meeting upang talakayin ang napapaulat na pagtanggal ng parking sa mga kalsada ng Ma. Corazon Subdivision.
π
February 21-Saturday
π 6:00 PM
π Chapel
Mahalaga po ang inyong presensya upang mapag-usapan at mapagkaisahan ang isyung ito.
Kita-kita po tayo.
π’ PANAWAGAN SA LAHAT NG RESIDENTE
Kung may makita po kayong hindi sumusunod sa ating mga ordinansa, maaari po ninyo itong i-message o i-report sa ating page upang agad na maaksyunan.
Layunin po nito na masiguro ang maayos na pagpapatupad ng ating mga patakaran at maging patas sa lahat ng sumusunod.
Hinihikayat po namin ang inyong pakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Maria Corazon Subdivision
Antipolo
1870