ANDAMYO

ANDAMYO

Share

11/09/2025

BAGONG BALITA| Mababang Voter Turnout, Nagresulta sa Invalid Election ng SGA 2025; Botohan, Pinalawig!

AiTECH, Setyembre 11, 2025 – Bigong maideklara ang resulta ng Student Government of AiTECH (SGA) Elections 2025 matapos na hindi umabot sa kinakailangang majority vote ang mga bumotong estudyante.

Batay sa ulat ng Student Body Commission on Elections (SBCE), tanging 43.39% ng kabuuang populasyon ng estudyante ang lumahok sa botohan ngayong taon. Dahil dito, hindi naideklara ang mga nanalo para sa lahat ng posisyon.

Dahil sa mababang voter turnout, muling binuksan ng SBCE ang online voting system upang bigyan ng panibagong pagkakataon ang mga estudyante na makilahok.

Batay sa bagong anunsyo, extended ang deadline ng pagboto hanggang Setyembre 12, Biyernes. Layon nitong masiguro na maabot ang kinakailangang majority vote at mapagtibay ang resulta ng halalan.

09/09/2025

EDITORIAL CRITIQUE| Insight Exchange 2025

Kung may malinaw man na lumabas sa bibig ni Annie iyon ay ito: karamihan sa kanyang plataporma ay nananatiling “for approval pa lang.” Maganda, ngunit hanggang wala pang pirma ang admin, mananatili lang itong drawing.

Hindi rin matibay ang kanyang inilahad na fallback plan. Kung hindi maaprubahan ang garden, gagamitin daw ang harapan ng AiTECH o ipapartner sa GBM. Ngunit ano ang ibig sabihin nito? Aktibidad lang na panandalian gagawin, imbes na konkretong proyekto?

Kung ganito, masasabing kulang sa pangmatagalang direksyon at tila “event-based solution” lang ang ihahain sa mga Kasangga.

Bilang kandidato sa pagka-Presidente, dapat may malinaw at alternatibong mekanismo na ihahain sa bawat plataporma, hindi lang paghihintay sa approval. Dapat mayroong plan B na may budget, timeline, at kasiguruhan.

Kakasa ba tayo sa lider na umaasa lamang sa “hintayin natin” at “baka doon na lang”? Sapat na ba ang ganitong klase ng paninindigan para sa pinakamataas na posisyon sa SGA?

Simple lang ang hamon ngayon sa mga botante, p**iliin ba natin ang lider na may konkretong plano, o ang lider na nakatali sa pirma ng admin?

09/09/2025

EDITORIAL CRITIQUE| Insight Exchange 2025

Sa pananaw ni Pagapulan, hindi lamang disiplina ang kailangan, kundi sistemang nagbibigay ng agarang tulong bago pa humantong sa pandaraya ang estudyante.

Ngunit higit pa rito, binigyang-diin niya ang ugat ng problema ay komunikasyon. Kung hindi naipapasa ng tama ang mga hinaing, nabubulok ang tiwala sa student government at sa mismong institusyon.

Ang panawagan niya para sa maayos na channels ay hindi lamang teknikal na solusyon, kundi pundasyon ng transparency.

May punto siya, ang cheating ay sintomas lang. Ang tunay na sakit ay kakulangan sa suporta at bukas na daluyan ng boses ng estudyante.

Kasalukuyang head ng Advocacies for Cultures and Traditions Committee si Pagapulan. Ngayon, kailangan pa bang maging batch rep para isulong ang mga plataporma niya gayong matagal na siyang parte ng sistema ng SGA?

Want your university to be the top-listed University in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Sitio Cabading, Brgy. San Jose
Antipolo
1870