Work at Home - Believer

Work at Home - Believer

Share

09/02/2026

A.I. Is Knocking Pero Ikaw Pa Rin ang Magbubukas ng Pinto

Alam natin ‘to! ang A.I. ngayon parang kumakatok na sa mundo natin.
At hindi siya mahinang katok ha… yung tipong nagmamadali. 😅

Ramdam niyo ba kung gaano kabilis ang lahat?
Mga bagay na dati inaabot ng ilang araw o linggo
pag-iisip ng content, paggawa ng resume, paulit-ulit na Google search, ngayon parang ilang minuto na lang.

Kung nagsasalita lang si Google sa dami ng tanong natin noon,
baka nasigawan na tayo ng:
**“PLEASE LANG… TIGILAN MO NA!”** 😂

At alam niyo ba, dahil sa A.I., nagawa ko pa ngang makita ang sarili ko sa isang pantasya ko—
yung nakatayo sa entablado, kumakanta, habang umuulan ng niyebe.
Oo, photo lang siya…
pero ramdam ko yung realization na:
“Ah, kaya ko pala ‘to. Kahit sa ibang anyo muna.” ✨

Kaya ko ito shineshare sa inyo, mga ka-believers
dahil alam kong marami sa inyo, lalo na ang mga aspiring VA, nagsisimula pa lang matutong gumamit ng A.I.
Paano ba mag-prompt?
Paano ba kausapin ang A.I. para tumulong talaga?

Disclaimer lang ha hindi ako expert.
Nagbabahagi lang ako ng mga natutunan at nare-research ko along the way.

Sa mga susunod na post,
maglalabas ako ng listahan ng mga platform at A.I. tools
na pwede ninyong pag-aralan
at oo, posibleng pagkakitaan rin kung gagamitin ng tama.

Pero uunahan ko na kayo:
👉 Walang magic.
👉 Walang gagawa nito para sa’yo.

Ang A.I. ay tool lang.
Ikaw pa rin ang magdedesisyon kung kikilos ka o hindi.

Nasa kamay mo na ngayon kung paano mo ia-apply ang tip na ‘to.
At bukas (o sa mga susunod na araw 😉),
isheshare ko na kung **ano-ano ang mga platform na pwede mong simulan aralin.**

Stay curious. Stay grounded.
At huwag matakot magsimula. 💻✨

06/12/2025

Alam mo ‘yung season na puro aral ka nang aral? Watch ka ng trainings, save ka ng tips, join ka ng groups, pero kapag nandyan na ‘yung mismong opportunity… biglang may kaba.
Parang may boses na nagsasabing, “Hindi ka pa ready… baka hindi ka tanggapin… baka mag-fail ka.”

Pero sa totoo lang, lahat ng nagsimula dumaan diyan.
I remember the first time I applied for an online job. Grabe ‘yung pawis sa kamay, ‘yung hesitation, ‘yung overthinking.
Pero habang naglalakad ako pa-push sa sarili ko, narealize ko: hindi mo malalaman ang kaya mo, hanggang hindi mo sinusubukan.

And minsan, ang lakas ng imposter syndrome.
Pero naisip ko rin: si Moses nga eh.
Takot siyang magsalita, iniisip niya na hindi siya enough, pero ginamit pa rin siya ni Lord para baguhin ang future ng mga tao.
Kung si Lord nga may nakita sa kanya… hindi ba pwedeng may nakikita rin Siya sa’yo?

Kaya kung nasa point ka ngayon na nagdadalawang-isip tandaan mo:
Faith is not waiting for the fear to disappear. Faith is moving even while you feel it.
And who knows? Baka ‘yung step na tinatakbuhan mo… ‘yun pala ang magpapabago ng buhay mo.

🔥 “For God gave us a spirit not of fear but of power, love, and self-discipline.” — 2 Timothy 1:7

🕊 Share this post para ma-encourage mo ang iba na pumili ng faith kaysa fear sa VA journey nila.

24/10/2025

Ano bang pumipigil sayo?
Bakit hindi mo umpisahan?

Wala naman sigurong mawawala kung ita- try mo di ba?

Oo walang magic na, overnight makukuha mong mapag-aralan lahat lalo na sa pagiging Freelancing VA.

Pero alam mo ang nakakatuwang makita ang progress na mayron ka, ang inalam mong akala mo ay hinde mo kaya at ang fear na na-conquer mo.
And yes! walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo at syempre ang pag-hinge mo kay Lord ng streght kasi at the end of the day si Lord pa rin ang kakapitan at tatakbuhan natin.

Kaya ngayon ang TIP ko ay make a research tulad ng naibahagi kong self discovery template, oo nga pala maraming salamat sa mga na naniwala at sa bagong member ng ating Work at Home - Believer, welcome po sa inyo!

Next na journey tip na maibibigay ko ay paano ako nakakuha ng client online, ano- ano ang naging process at saan ko sila mga natagpuan.

Magbibigay na rin ako ng recording para sa mga wala pang idea lalo na ang baguhang VA.

Opps! Wala pong kokontra alam ko marami ng naglipanang mga coaches dyan na nagmamasid sa katulad kong bumubuo pa lang ng sistema😁 arbor ko na po ito 😅 kasi hinde ko naman para ipagmalaki ang sarili ko at para magpabayad ng course sa mga nangangarap sa industriyang ito🤓

I am just giving back all the knowledge to those who helped me when I was just starting. Grateful for every lesson and blessing and above all, I give the highest praise to our Lord God.
☝️❤️🙏

Want your business to be the top-listed Media Company in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Rizal
Angono
1970