Taga Kalayaan Ako Angono, Rizal

Taga Kalayaan Ako Angono, Rizal

Share

29/04/2026

Isang taos-pusong pagbati mula sa Taga Kalayaan Ako Angono, Rizal sa mga bagong halal na Baytown Homes Homeowners Association Board of Directors! πŸŽ‰πŸ‘

Ang inyong tagumpay ay patunay ng tiwala at suporta ng komunidad na inyong paglilingkuran. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa pagkakaisa, maayos na pamamahala, at patuloy na pag-unlad ng inyong samahan.

Sa inyong pamumuno, asahan ang mas maayos, mas maunlad, at mas nagkakaisang komunidad.

Mabuhay kayo at maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo! πŸ’™βœ¨



πŸ“· Pres Aljon Barril Elecom Lilet Victorio

15/04/2026

πˆπ’π€ππ† πˆπƒ 𝐋𝐀𝐍𝐆, 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 πŒπ€πŠπ€ππ€π†ππ€π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ!

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong mamamayan ng Angono na magparehistro para sa nalalapit na halalan. Paalala ng Commission on Elections (COMELEC), isang (1) valid ID lamang ang kinakailangan upang makapagparehistro bilang botante.

Narito ang mga tinatanggap na uri ng ID:

-PHILSYS National ID Card
-Postal ID Card
-PWD ID Card
-School ID o Library Card
-Senior Citizen ID Card
-Driver’s License / -Student Permit
-NBI Clearance
-Philippine Passport
-SSS, GSIS, PRC, IBP, UMID ID Card
-NCIP Certificate of Confirmation
-Iba pang Government-issued valid IDs

Samantala, narito naman ang schedule ng satellite registration ng COMELEC:

Petsa: April 14-17, 28-30 at May 1, 5-8, 12-15, 2026
Oras: 8:00AM-5:00PM
Lugar: 3rd Level, SM Center Angono

Layunin ng voter’s registration na mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na makibahagi sa pagpili ng mga lider ng bansa. Kaya naman hinihikayat ang lahat na huwag nang mag-atubili at samantalahin ang pagkakataong makapagparehistro.

Siguraduhing dalhin ang alinman sa mga nabanggit na valid ID at magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng COMELEC sa inyong lugar.

Tandaan: Ang iyong boto ay mahalaga. Simulan ito sa pagpaparehistro!

βœπŸ»πŸ“· Angono Public Information Office | SM Center Angono

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Angono
1930