MSWDO - Angono
22/04/2026
PABATID SA PUBLIKO
Ipinagbibigay-alam ng DSWD Field Office IV-A sa mga apektadong public utility vehicle (PUV) drivers sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon na ang schedule ng payout sa kada bayan at lungsod ay iaanunsyo ng Kagawaran sa pamamagitan ng inyong mga lokal na pamahalaan at opisyal na page ng DSWD Field Office IV-A.
Para sa mga PUV drivers sa mga bayan at lungsod na wala pang schedule ng payout, pinakikiusapan ng Kagawaran na hintayin ang pormal na abiso para sa inyong asosasyon at lokalidad.
Habang naghihintay ng schedule, mangyaring siguruhing mayroong VALID driver's license at isang photocopy nito para sa pagkuha ng assistance.
Sinisiguro ng Kagawaran na pinaghahandaan ng DSWD at ng mga lokal na pamahalaan ang distribusyon upang matiyak ang maayos at mabilis na pamamahagi ng assistance sa itatakdang araw.
Maaaring sundan ang aming opisyal na page para sa mga tamang impormasyon tungkol sa Cash Relief Assistance at iba pang programa ng Kagawaran.
22/04/2026
17/04/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Solo Parents Week 2026, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Angono sa suporta nina Mayor Gerardo V. Calderon at Vice Mayor Jeri Mae Calderon sa pangunguna ng MSWDO - Angono Ms. Luisita Vestra, ang isang makabuluhan na aktibidad para sa mga solo parents na ginanap sa Mayor’s Conference Room.
Sa temang “Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent,” nagsagawa ng talakayan tungkol sa Mental Health, Financial Literacy at Livelihood, gayundin ang orientation tungkol sa R.A. 11861 o Expanded Solo Parent Welfare Act.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang support system at dagdagan ang kaalaman ng mga solo parents.
Maraming salamat Ms. Pauline-president at lahat ng bumubuo ng Angono Solo Parent Association Inc., Resource speakers, facilitator- Solo Parent Focal Ms. Francia Tecson at sa lahat ng nakiisa sa programang ito.
Mabuhay mga Solo Parents sa bayan ng Angono! 🫶
🫰
Update for TODA fuel subsidy sa Angono Rizal. Submitted napo ang list sa DSWD Region IV-A Waiting po tyo sa cross matching and final payroll. DSWD personnel ang mag facilitate ng pay out.
Dahil sa maraming inquiries sa Municipality of Angono, Rizal mula sa mga drivers ng TNVS at PUV. Minabuti ng MSWDO - Angono na mag inquire sa DSWD Satelite Office sa Antipolo, Ayon sa DSWD sila ng LTFRB at iba pang ahensya sa National ang nag -uusap para sa detalye ng Fuel subsidy ng mga drivers na sakop ng CALABARZON. Maghintay daw po muna dahil on-going pa ang pay out ng NCR.
Kung sakaling magbubukas na ang registration outside NCR, ang mga TNVS companies mismo ang magbibigay ng link kung saan mag re- register ang kani-kanilang miyembrong drivers.
❤
Muli tayong magbibigay ng update kung may bagong direktiba mula sa DSWD. Kung may direktiba po sa LGU mabilis nman tayong tutugon
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Angono
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |