BNHS-Supreme Secondary Learner Government - SSLG

BNHS-Supreme Secondary Learner Government - SSLG

Share

Photos from BNHS-Supreme Secondary Learner Government - SSLG's post 29/06/2026

🌅 𝐀𝐥𝐦𝐮𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 | 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐚𝐧𝐬 𝟒:𝟏𝟑
"𝐈 𝐜𝐚𝐧 𝐝𝐨 𝐚𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐡𝐢𝐦 𝐰𝐡𝐨 𝐠𝐢𝐯𝐞𝐬 𝐦𝐞 𝐬𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡"

Huwag kang mawalan ng pag-asa o panghinaan ng loob kahit gaano pa kabigat ang mga hamon, gawain, o pagsubok na iyong kinakaharap sa araw na ito. Tandaan mo na hindi mo kailangang pasanin ang lahat nang mag-isa. Sa pamamagitan ng lakas na kaloob ng Diyos, nagkakaroon tayo ng kakayahang lagpasan ang anumang hadlang, tiisin ang mga pagsubok, at gampanan ang ating mga tungkulin nang may tapang at pananalig. Siya ang nagpapatibay sa atin sa mga panahong pakiramdam natin ay ubos na ang ating lakas, at Siya ang gumagabay upang maging matagumpay tayo sa bawat hakbang na ating tatahakin. Magtiwala lamang tayo sa Kanyang biyaya at kapangyarihan, dahil sa Kanya, ang lahat ay posible.






📝𝘾𝘼𝙋𝙏𝙄𝙊𝙉 𝘽𝙔: LEONA MARIE E. ACOT | SSLG PEACE OFFICER
🖼️𝙇𝘼𝙔𝙊𝙐𝙏 𝘽𝙔: CLARK JAMES ALAPIDE | LAYOUT ARTIST

26/06/2026

“𝐒𝐢𝐧𝐮𝐬𝐮𝐛𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐲𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐝𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧.”

Malugod at buong-pagmamalalaki naming binabati 𝑴𝒊𝒅𝒏. 𝑲𝒆𝒏 𝑨𝒓𝒄𝒉𝒊𝒆 𝑫𝑪 𝑮𝒓𝒐𝒚𝒐𝒏 sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa kursong 𝑩𝒂𝒄𝒉𝒆𝒍𝒐𝒓 𝒐𝒇 𝑺𝒄𝒊𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒊𝒏 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑻𝒓𝒂𝒏𝒔𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, sa ilalim ng CCI, kabilang sa Batch XXIX para sa Taong Panuruan 2025–2026.

Ang mahabang paglalakbay ng pag-aaral ay puno ng mga pagsubok, ngunit ang iyong katatagan, kasipagan, at paninindigan ang naging tulay upang marating mo ang araw na ito. Ngayong ikaw ay nagtapos, handa ka nang harapin ang bawat alon ng buhay at karera, at tukuyin ang iyong sariling landas patungo sa tunay na tagumpay.

Bilang miyembro ng Philippine Navy (Reserve), umaasa kaming gagamitin mo ang iyong natutunan upang maglingkod nang may dangal, katapatan, at husay sa ating bayan. Nawa’y laging maging payapa at ligtas ang iyong mga paglalayag, at maging matagumpay ang bawat hakbang sa iyong kinabukasan. Ang iyong tagumpay ay karangalan ng ating paaralan! ⚓🌊🚢

TO GOD BE THE HIGHEST GLORY!❤️🙌🏻

Want your school to be the top-listed School/college in Angat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Binagbag Angat Bulacan
Angat