Immaculate Conception Quasi-Parish
ππππ: Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ikaβ03 ng Mayo , 2026 | BANAL NA MISA | 6:00 N.U.
"Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makpupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." - Juan 14:6
Punong Tagapagdiwang:
RDO. P. Herbert Agustine Bacani
++++++++++++++++++++++++++++++
(PAALALA: Ang ONLINE MASS ay hindi dapat maging sanhi upang mapalitan ang kahalagahan ng Banal na Misa. Mas mahalaga pa rin po ang pagdalo sa Misa. Kaya ang mga parokyano at mananampalataya ay dapat pa ring magsimba sa kani-kanilang simbahan. Ang Live streaming ay para sa mga tao na dahil sa sakit, hindi makadalo sa Misa; o sa mga taong dahil sa kanilang lokasyon, ay hindi magkaroon ng pagkakataong makapagsimba at para sa mga OFW's.)
π·ππ πππππππ: π΄ππ ππ’π ππ πππ πππ πππ πππππ‘πππππ πππ πππππππ‘πππ ππ’ππππ ππ ππππ¦. π΄ππ ππππππ‘ ππππ π‘π π‘βπππ πππ ππππ‘ππ£π ππ€ππππ . πΆπππ¦πππβπ‘ πΌπππππππππππ‘ πππ‘ πππ‘πππππ.
01/05/2026
MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW | Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Ika-2 ng Mayo, 2026
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 13, 44-52
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol
Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lungsod ay nagkatipon upang pakinggan ang salita ng Diyos. Inggit na inggit ang mga Judio nang makita nila ang makapal na tao, kayaβt nilait nila at sinalungat si Pablo. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, βSa inyo muna dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Yamang itinakwil ninyo ito, hinatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kayaβt pupunta kami sa mga Hentil. Sapagkat ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon:
βInilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil
upang maibalita mo ang kaligtasan
hanggang sa dulo ng daigdig.ββ
Nagalak ang mga Hentil nang marinig ito, at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya; at sumampalataya ang mga hinirang para sa buhay na walang hanggan.
Kayaβt lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga babaing sumasamba sa Diyos at kilala sa lipunan, gayun din ang mga lalaking pinuno ng lungsod: ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. Kayaβt ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at silaβy nagtungo sa Iconio. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay natigib ng galak at napuspos ng Espiritu Santo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
o kaya: Aleluya
Umawit ng bagong awit at sa P**n ay ialay,
pagkat yaong ginawa nβya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Ang tagumpay niyang itoβy siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansaβy nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang P**n ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Kahit saaβy namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.
ALELUYA
Juan 8, 31b-32
Aleluya! Aleluya!
Kapag ang aking salita
sa inyoβy naidambana,
taglay nβyo ang aking diwa.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 14, 7-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: βKung akoβy kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.β
Sinabi sa kanya ni Felipe, βPanginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.β Sumagot si Hesus, βMatagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyataβt hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: βIpakita mo sa amin ang Amaβ? Hindi ka ba naniniwalang akoβy sumasa-Ama at ang Amaβy sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: akoβy sumasa-Ama at ang Amaβy sumasa-akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
01/05/2026
ABRIL 26, 2026 | Pormal na inilunsad sa Inihahandang Parokya ng Inmaculada Conception ang Simba-Aralan: Summer Youth Catechism.
Layunin ng programang ito na palalimin ang pananampalataya at kaalaman ng mga kabataan sa mga aral ng Simbahan, habang pinagtitibay ang kanilang pakikibahagi sa buhay-panampalataya ng pamayanan.
Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa makabuluhang pagbubukas ng nasabing programa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Villarama Street Marungko
Angat
3012
Opening Hours
| Tuesday | 8:30am - 5pm |
| Wednesday | 8:30am - 5pm |
| Thursday | 8:30am - 5pm |
| Friday | 8:30am - 5pm |
| Saturday | 8:30am - 5pm |
| Sunday | 8:30am - 12pm |