Angat Local Youth Development Council
24/04/2026
π§ ROAD TRAFFIC ADVISORY π§
Ipinababatid sa lahat na BUKAS, Abril 25, 2026, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga rutang dadaanan ng Ecomiles Learners Smile Fun Run 2026 mula 4:00 AM hanggang 9:00 AM.
π MGA APEKTADONG RUTA:
β’ Gen. Alejo Santos Highway
(mula Angat Police Station hanggang Himlayan)
β’ M. Valte Road
(San Roque β Sta. Lucia β Baybay β Banaban)
Inaabisuhan ang lahat na magplano nang mas maaga ng inyong biyahe at, kung maaari, ay iwasan muna ang mga apektadong ruta upang makaiwas sa abala at pagkaantala.
Humihingi po kami ng inyong suporta, pang-unawa, at pakikipagtulungan upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng aktibidad.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!
π FIRST TIME SA ANGAT? WE GOT YOU! πββοΈπββοΈ
Kung anggagaling ka sa Maynila at nakarating kana sa Norzagaray, this video is your step-by-step guide papunta sa Eco Miles β Learners Smile 2026 Fun Run venue! ππ±
From main road directions, hanggang sa parking area at comfort rooms, naka-ready na lahat para hindi ka maligaw at less hassle sa race day π
Para chill ka na pagdating at focus na lang sa takbo at good vibes! π₯
β° Reminder: Arrive early para smooth ang parking, claiming, at warm-up before the run!
See you in Angat this April 25! Tara, takbo na with purpose! β¨
21/04/2026
π±π Bawat Hakbang, May Kabuluhan!
Matagumpay na naisagawa ang Special Meeting ng Organizing Committee para sa Eco Miles: Learners Smile Fun Run 2026, kung saan masusing pinagplanuhan ang bawat detalye upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at makabuluhang aktibidad para sa ating mga kabataan. πββοΈ
Pinagtibay ng pagpupulong ang koordinasyon at pagtutulungan ng bawat kasapi ng komite. Isang patunay ng sama-samang layunin na makapaghatid ng dekalidad na programa na may kalakip na adhikain.
Sa bawat hakbang ng paghahanda, dala natin ang iisang adhikain: ang masuportahan ang edukasyon, kalusugan, at kinabukasan ng kabataang AngateΓ±o.
Sama-sama tayong tumakbo, hindi lamang para sa kalikasan, kung hindi para rin sa kabataan ng bayan ng Angat!
13/04/2026
Silipin na ang official route ng Eco Miles β Learners Smile Fun Run 2026 this April 25! π₯
Ready na ba ang tuhod, baga, at puso mo? Dahil bawat liko at bawat hakbang sa ruta na βto ay may dalang pag-asa para sa kabataang AngateΓ±o. π±π
Planuhin na ang pacing, ayusin ang game plan, at ihanda ang sarili sa takbong hindi lang para saβyo, kundi para sa iba. π₯Ήπ
π April 25, 2026 | Angat, Bulacan
Hindi pa registered? Habol ka na!
π https://forms.gle/ZXhwptSDQoYDJewKA
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the organization
Website
Address
Angat
3012
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |