Hiraya

Hiraya

Share

25/12/2025

πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† ππ€π’πŠπŽ, πŠπ€π‡πˆπ‘π€π˜π€!

Sa pagdating ng Pasko, nawa’y mapuno ang bawat tahanan ng liwanag ng pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa. Ito ang panahon ng pasasalamatβ€”sa mga biyayang natanggap, sa mga aral na natutunan, at sa mga taong patuloy na nagbibigay-kulay sa ating mga pangarap.

Mula sa Hiraya, kami ay bumabati ng isang masaya, payapa, at makabuluhang Pasko. Nawa’y manatiling buhay ang diwa ng pagbibigayan at malasakit hindi lamang ngayong kapaskuhan, kundi sa bawat araw ng darating na taon.

07/08/2025

Together as one, magkakatuwang!

Bawat kamao ay simbolo ng pagtutulungan, ng lakas na hindi nag-iisa. Sa Hiraya, bawat kabataan ay katuwang sa pagbuo ng mas makabuluhang bukas. Sa gitna ng pagsubok at pagbabago, tayo’y naninindigan hindi bilang isa, kundi bilang magkakatuwang sa iisang adhikain. Sama-sama sa pagkilos, sabay-sabay sa pag-abot ng pangarap.

31/07/2025

BUWAN NG WIKA 2025

Ngayong taon, dala ng temang β€œAng Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagbuo ng Bansa,” hinihikayat tayong balikan at pahalagahan hindi lamang ang Filipino, kundi pati na rin ang iba’t ibang katutubong wika na nagbibigay kulay at lalim sa ating kulturang Pilipino.

Ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon. Ito ay tulay ng pagkakaunawaan, sisidlan ng ating kasaysayan, at salamin ng ating damdamin, adhikain, at paninindigan bilang mamamayan. Sa bawat salitang ating binibigkas, kasabay nating binubuhay ang diwa ng pagiging Pilipino.

Dahil sa wika, tayo ay nagkakaisa. Sa wika, tayo ay may pagkakabuklod.
At sa wika, mabubuo natin ang isang mas makatarungan at makabayang lipunan.

Hatid ito ng Hiraya: Kasama at Kaagapay – Ang Sandigan ng Bawat Kabataan.

24/07/2025

| HULYO 25, 2025

Wala pa rin pong pasok sa face-to-face classes sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang lalawigan ng Bulacan, ayon sa DILG Philippines. Ito ay dahil sa patuloy na epekto ng Habagat at ng Bagyong Emong.

Ito na po ang listahan ng para bukas, Friday, 25 July 2025.

Ang lahat ng antas ng mag-aaral ay kasama, pati na ang TESDA learners. Wala din pasok ang government offices. Pero ang government frontline workers ay may pasok. Yung iba ay may hybrid system in place, according to their respective agencies:

Ang mga walang pasok:

RED (malakas ang pag-ulan, 200mm pataas)
Bataan
Benguet
Ilocos Sur
La Union
Occidental Mindoro
Pangasinan
Zambales

ORANGE (150–200mm)
Abra
Batangas
Cavite
Ifugao
Ilocos Norte
Laguna
Mountain Province
Pampanga
Tarlac

YELLOW (50–150mm)
Albay
Apayao
Aurora
Bulacan
Cagayan
Camarines Norte
Camarines Sur
Isabela
Kalinga
Marinduque
Metro Manila
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Oriental Mindoro
Palawan
Quezon
Quirino
Rizal
Romblon

Source: https://www.facebook.com/share/p/15ga1a1wHa/
Mag-iingat po ang lahat!

23/07/2025

Wala pa rin pong pasok sa face-to-face classes sa darating na Hulyo 24 sa karamihan ng bahagi ng Luzon, kabilang ang lalawigan ng Bulacan, batay sa Memorandum Circular No. 91 mula sa MalacaΓ±ang. Ito ay dahil sa patuloy na epekto ng Habagat na maaaring palalain ng Bagyong Dante at Emong.

Ibayong pag-iingat po mga kabarangay!

21/07/2025

| JULY 22, 2025

Sa tagubilin ng Department of the Interior and Local Government o DILG at sa rekomendasyon na rin ng Office of Civil Defense at mga miyembro ng gabinete ay WALANG PASOK sa lahat ng antas ng klase at mga tanggapan ng gobyerno bukas, Hulyo 22, 2025.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1VYnexB6qm/

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Angat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Encanto, Bulacan
Angat
3014