Negosyo Center- Alcala

Negosyo Center- Alcala

Share

25/03/2026

𝗗𝗧𝗜, 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗣𝗖𝗖, 𝗮𝘁 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗕𝗡𝗣𝗖𝘀 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻

23 March 2026 - Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan Provincial Office, katuwang ang Cagayan Provincial Price Coordinating Council (PPCC), ng isang virtual Focus Group Discussion (FGD) kasama ang mga suppliers at distributors ng Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) sa lalawigan upang tiyakin ang kahandaan ng mga pangunahing sektor sa gitna ng mga umiiral na hamon sa supply chain at mapanatili ang sapat, matatag, at abot-kayang suplay para sa mga mamimili.

Sa isinagawang talakayan, ibinahagi ng mga kalahok na nananatiling matatag ang suplay ng BNPCs sa lalawigan ng Cagayan, na may sapat na imbentaryong karaniwang umaabot sa labing-apat (14) na araw, alinsunod sa kanilang stocking practice. Nananatili ring kontrolado ang galaw ng presyo ng mga nasabing produktong, bagamat may naobserbahang bahagyang pagtaas sa ilang piling item. Samantala, may mga naitalang paggalaw ng presyo sa ilang produkto mula sa ibang kategorya, subalit hindi ito kabilang sa BNPCs.

Binigyang-diin ng DTI Cagayan ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na ugnayan at aktibong pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng pamahalaan at business sector upang mapanatili ang matatag na suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.

#𝘞𝘪𝘳𝘞𝘢𝘯𝘊𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯

Cagayan Provincial Information Office PIA - Cagayan 95.7 XFM Tuguegarao Bombo Radyo Tuguegarao Radyo Pilipinas Tuguegarao Radyo Kalugaran 97.7FM - Claveria Cagayan Valley Cagayan Valley Vlog CPIO-Panawagan at Iba Pa Tuguegarao City News

Want your organization to be the top-listed Government Service in Alcala?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Centro Norte
Alcala
3507

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm