Ang Mamamahayag
04/06/2026
𝐂𝐎𝐔𝐍𝐓𝐃𝐎𝐖𝐍 | 𝐁𝐀𝐆𝐒𝐈𝐊 𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐓𝐄𝐊
𝙇𝙞𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙧𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙤𝙧𝙢...
Ang 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴-𝗔𝗴𝗵𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝗧𝗲𝗸𝗻𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮 ay uri ng pagsulat na 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘰𝘮𝘱𝘭𝘪𝘬𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘴𝘦𝘱𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘦𝘯𝘵𝘪𝘱𝘪𝘬𝘰 𝘢𝘵 𝘵𝘦𝘬𝘯𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘬𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢𝘸 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘣𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢.
Sa nakalipas na dalawang taon, patuloy na umangat ang publikasyong 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 sa larangan ng Agham at Teknolohiya mula dibisyon hanggang nasyonal.
Sa antas ng 𝘿𝙞𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡𝙨 𝙋𝙧𝙚𝙨𝙨 𝘾𝙤𝙣𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙘𝙚 noong 2025 sa Maitum, Sarangani, nakamit ni 𝗚. 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗻 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀 ang 𝘪𝘬𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰. Mula rito, umusad siya sa rehiyonal na antas at nakakuha ng 𝘪𝘬𝘢𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰 matapos ang matinding kompetisyon.
Sa parehong taon, kinilala rin ang pamahayagan sa pagiging 𝙞𝙠𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙎𝙘𝙞𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙚𝙘𝙝𝙣𝙤𝙡𝙤𝙜𝙮 𝙋𝙖𝙜𝙚. Dahil dito, nakapasok ito sa 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭𝘴 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘊𝘰𝘯𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘤𝘦 sa Ilocos Sur.
Sa sumunod na DSPC, muling lumutang ang husay ni 𝗚. 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀. Nakuha niya ang 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰 sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya sa Sarangani sa Alabel. Sa tagumpay na ito, umusad siya sa rehiyonal na antas at halos makapasok sa pambansang yugto matapos makuha ang 𝘪𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘴𝘵𝘰.
Ang mga tagumpay na ito ay patunay na ang 𝙙𝙚𝙩𝙚𝙧𝙢𝙞𝙣𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣, 𝙨𝙞𝙥𝙖𝙜, 𝙖𝙩 𝙩𝙞𝙮𝙖𝙜𝙖 ang pundasyon ng patuloy na pag-angat at pagkamit ng 𝘕𝘚𝘗𝘊 𝘘𝘶𝘢𝘭𝘪𝘧𝘪𝘦𝘳 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘶𝘴.
Kaya’t ngayon na ang pagkakataon.
Bukas ang pinto ng 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 para sa mga may pangarap sa pamamahayag. Sumubok ka at posibleng ikaw ang susunod na aakyat sa entablado ng dyornalismo.
𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼 𝗻𝗮!
Bukas ang registration para sa mga nais maging kasapi. I-scan ang QR Code sa poster o pindutin ang link sa ibaba upang makapagparehistro:
https://forms.gle/Xshx3SR618PfxkJi8
https://forms.gle/Xshx3SR618PfxkJi8
https://forms.gle/Xshx3SR618PfxkJi8
Inanyo ni John Mart Mabasa
27/05/2026
𝐌𝐀𝐌𝐔𝐋𝐀𝐓. 𝐌𝐀𝐆𝐌𝐔𝐋𝐀𝐓. 𝐌𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐓
Ang pampaaralang pahayagang 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 ay muling magbubukas ng oportunidad para sa mga mag-aaral na may talento, boses, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Nagsisimula ang dalawang araw na pagsasanay para sa mga nagnanais maging bahagi ng organisasyon at mapalawak ang kakayahan sa campus journalism.
Ang 𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 ay opisyal na pampaaralang pahayagan ng 𝘈𝘭𝘢𝘣𝘦𝘭 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘚𝘤𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘏𝘪𝘨𝘩 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 na patuloy na naghahatid ng makabuluhan, napapanahon, at totoong impormasyon para sa komunidad ng AlSci. Layunin ng organisasyon ang hubugin ang mga mag-aaral upang maging responsable at mahusay na mamamahayag sa iba’t ibang larangan ng media at komunikasyon.
Ang pagsasanay na ito ay bukas para sa lahat ng interesadong mag-aaral at walang kinakailangang bayad.
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡:
𝗣𝗘𝗧𝗦𝗔: Hunyo 10–11, 2026
𝗦𝗔𝗔𝗡: ANSHS Main Building
Bukas ang registration para sa mga nais maging kasapi. I-scan ang QR Code sa poster o pindutin ang link sa ibaba upang makapagparehistro:
https://forms.gle/Xshx3SR618PfxkJi8
https://forms.gle/Xshx3SR618PfxkJi8
https://forms.gle/Xshx3SR618PfxkJi8
𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬:
• Pagsulat ng Balita
• Pagsulat ng Lathalain
• Pagsulat ng Isports
• Pagsulat ng Kolum
• Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
• Pagsulat ng Pangulong Tudling
• Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita
• Pagguhit ng Editoryal Kartun
• Fotodyornalismo
• Layouting
• Mobile Journalism
• Radio Broadcasting
• TV Broadcasting
𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢:
I-scan ang QR Code sa opisyal na poster o pindutin ang link sa itaas. Punan ang registration form bago sumapit ang Hunyo 9. Hintayin ang karagdagang anunsyo at impormasyon mula sa organisasyon
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan kay:
Kurt Lawrence V. Ciudad │ Punong Patnugot
𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗣𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚!
Inanyo ni John Mart Mabasa
27/04/2026
𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶!
Sa paglubog ng araw noong Marso 31, 2026, isang bagong kabanata ng kasaysayan ang iginuhit ng Ang Mamamahayag sa mga pahina ng kahusayan. Hindi lamang ito basta pagkakamit ng mga pinakamataas na parangal sa pagsulat at akademiko. Ito ay isang maringal na pagpapatunay na ang dedikasyon ng ating mga mag-aaral ay hindi natatapos sa kung ano ang inaasahan, kun'di lumalampas sa bawat hangganang itinakda. Ang bawat titik at salitang inyong binuo ay nagsisilbing salamin ng talinong tunay na tatak-AlSci—𝘮𝘢𝘵𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨, 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘶𝘳𝘪, 𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘪𝘬𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯.
Sa gitna ng mga hamon, pinatunayan ninyong ang pluma ay nananatiling pinakamabisang sandata sa paghubog ng kaisipan ng lipunan. Kayo ang boses ng pag-asa at ang mga arkitekto ng katotohanan; nawa’y ang tagumpay na ito ang magsilbing mitsa ng mas marami pang kwentong magmumulat at magbibigay-pugay sa ating pagka-Pilipino.
𝘔𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵. 𝘔𝘢𝘨𝘮𝘶𝘭𝘢𝘵. 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘯𝘥𝘪𝘨𝘢𝘯. Direkta sa pinagmulan, para sa malayang pamamahayag!
Inanyo ni John Mart Mabasa
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Sarangani-Davao Del Sur Coastal Road
Alabel
9501