LHS Forum

LHS Forum

Share

12/06/2026

๐€๐’๐”๐‹, ๐๐”๐‹๐€, ๐๐”๐“๐ˆ ๐€๐“ ๐†๐ˆ๐๐“๐Ž: ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Œ๐”๐Š๐‡๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐’๐€๐‘๐ˆ๐๐‹๐€๐
โ€Ž
โ€ŽTuwing ika-12 ng Hunyo, naging gawi na ng mga Pilipino ang paglalagay ng mga banderitas sa kalsada, pagwawagayway ng watawat sa mga establisyimento, at pagsasabit nito sa mga sasakyan bilang pag-alaala sa proklamasyon ng ating kasarinlan noong 1898. Sa iba't ibang sulok ng bansa, maririnig din ang pag-awit sa mga makabayang kanta. Para sa marami, ang Araw ng Kalayaan ay simpleng pagkakataon lang upang makapahinga mula sa trabaho o eskwelahan, o kaya'y oras para makasama ang pamilya. Ngunit sa kabila ng bawat parada at pagdiriwang, mahalagang pagnilayan natin kung ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
โ€Ž
โ€ŽKung ating bubuklatin ang mga pahina ng kasaysayan, ang kalayaang nakamit natin noon ay ang pagkalas mula sa gapos ng mga dayuhan. Ito ay pagpapatid sa tanikala sa pamamagitan ng dugo, pawis, at walang kapantay na tapang ng ating mga bayani tulad nina Apolinario Mabini, Gabriela Silang, Andres Bonifacio, at Jose Rizal, kasama ang libo-libong Pilipinong mas piniling mawalan ng hininga kaysa mapasailalim sa kamay ng mananakop. Bagama't nakamit na natin ang kalayaang ito, hindi pa rin natatapos ang laban ng ating lahi.
โ€Ž
โ€ŽSa kasalukuyan, bagama't wala na tayong kalaban na may dalang baril at kanyon, may mga makabagong hamon na patuloy pa ring gumagapos sa mga mamamayan. Una na rito ang kahirapan; maraming Pilipino ang baon sa utang, nabubuhay sa โ€œisang kahig, isang tukaโ€, at walang sapat na oportunidad upang umunlad. Pangalawa ay ang pagkagapos sa lumalaganap na maling impormasyon. Habang patuloy na umuusbong ang teknolohiya, patuloy din ang paglaganap ng mga haka-haka at huwad na propaganda na lubhang nakakaapekto sa kritikal na pag-iisip ng lipunan. Pangatlo ay ang malalang korapsyon na siyang ugat ng maraming suliranin. Ito ang dahilan kung bakit nananatiling huli ang Pilipinas, dahil ang mga pondo na dapat sana ay ginagamit para sa mas magandang edukasyon, mas maayos na kalsada, at tulong sa mga nangangailangan ay napupunta lamang sa pansariling interes ng mga may kapangyarihan.
โ€Ž
โ€ŽSa panahon ngayon, ang tunay na pagiging makabayan ay wala na sa pisikal na pakikidigma. Ito ay nasusukat na sa ating katapatan sa araw-araw, sa pagiging mapanuri sa bawat impormasyong nababasa, sa pagtangkilik ng ating mga lokal na produkto, sa pagiging boses ng mga walang tinig, at sa pananatiling mulat sa mga isyu sa lipunan.
โ€Ž
โ€ŽAng Araw ng Kalayaan ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang o pagbalik-tanaw sa nakaraan. Ito ay isang paalala na ang laban para sa kasarinlan ay nananatiling buhay sa mas tahimik ngunit mas matinding paraan. Ang kalayaan ay isang kaloob na dapat nating pangalagaan, ipaglaban, at hinding-hindi dapat balewalain kailanman. Dahil ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang pag-alis ng mga mananakop, kundi ang pagkakaroon ng bawat Pilipino ng pagkakataong mamuhay nang may dangal, hustisya, at pag-asa.
โ€Ž
โ€Žโœ๐Ÿป Zarren Bernardine
โ€Ž๐Ÿ’ป Gabrielle Banan
โ€Ž
โ€Ž

Photos from LHS Forum's post 11/06/2026

๐‚๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ: ๐‹๐‡๐’ ๐ž๐ง๐๐ฌ ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
โ€Ž
โ€ŽThe Brigada Eskwela 2026 concludes on June 9 after a week of preparing the school for the resumption of classes with a Culmination Program at Eriguel Hall.
โ€Ž
โ€ŽAn opening message from LHS Principal Prof. Nestor Ulpindo encouraged students to continue participating in community clean-up initiatives and contribute to maintaining a cleaner environment.
โ€Ž
โ€Ž Grade 9 Adviser Ma'am Aireen Maye Abuan, CE SBO Vice Governor Mary Joy Rivera, SEGDEN Silnag-Biag and Einstein's Protegee organizations, and class representatives shared positive thoughts on Brigada Eskwela 2026, expressing excitement and enjoyment about preparing the school.
โ€Ž
โ€ŽA heartfelt intermission performance by CE-SBO and Grade 10 students showcased their emotions through dance and music, adding warmth and energy to the event.
โ€Ž
โ€ŽIn appreciation of their dedication, students, faculty, and staff received certificates of recognition for their participation and assistance in the event.
โ€Ž
โ€Žโœ๐Ÿป Danah Annague
โ€Ž๐Ÿ“ธ Sir Nathanael Milanes
โ€Ž
โ€Ž

01/06/2026

๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ข๐ฌ ๐ง๐ž๐š๐ซ ๐‹๐‡๐’๐ข๐š๐ง๐ฌ!

We invite everyone to help in welcoming the new school year. Please bring extra cleaning materials.

Kindly fill out the form to account the number of attendees.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdOa4QpeFuSICoHqxCTYO45JmIp_Y7stpl01NPGdOKAZGxWxg/viewform?usp=publish-editor

๐Ÿ’ป Sir Rodley Mendejar

Want your business to be the top-listed Media Company in Agoo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Consolacion
Agoo
2504