1Sambayan - La Union Chapter
29/10/2024
20/04/2022
PAHAYAG NG TIMUN
Hinggil sa patuloy na red-tagging at harasment
April 20, 2022
Muling naranasan ng mga lider at kasapian ng Timpuyog dagiti Marigrigat nga Umili ti Naguilian o TIMUN, isa sa mga founding organization ng Alyansa Dagiti Marigrigat nga Mannalon ken Manggalap o AMMLU, ng red-tagging at panggigipit nitong nakaraang buwan.
Noong Marso 26, sa labas ng barangay hall ng Gusing Norte, Naguilian, nakasabit ang mga sakong poster na may nakalagay na pagbibintang na si Eduardo Rimando, chairperson emeritus ng TIMUN at kasalukuyang Spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Ilocos, ay isa umanong NPA recruiter. Nang lapitan ito ni Rimando, nakita niyang basa pa ang pintura sa sako at sa tantya niya ay madaling araw ito inilagay. Wala namang nakakita kung sino ang naglagay ng mga poster na iyon doon sa labas ng barangay hall.
Dagdag pa, noong Marso 30, pinigilan ng lokal na pamahalaan ng Naguilian ang mga delegado ng TIMUN sa pagpunta sa isang Peasant Assembly sa San Fernando, La Union na kung saan tinalakay ang iba’t ibang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka hinggil sa presyo ng farm inputs at agrikultural na produkto at ang kakulangan ng ayuda. Kinausap ng LGU ang mga drayber ng mga inarkilang jeep na huwag silang makibahagi sa kahit anumang aktibidad na inilulunsad ng mga “tagasuporta ng Makabayan”.
Maging sa pagpunta nina Leni at Kiko dito sa La Union noong April 12 ay pinigilan ng LGU ng Naguilian ang mga delegado ng Mamat-ing Norte. Dahil nag-abang ang mga kagawad ng barangay sa inarkilang jeep, natakot ang mga delegado at hindi na tumuloy sa pagpunta sa .
Ang mga harasment na ito sa TIMUN ay karugtong sa serye ng panggigipit na isinasagawa ng RTF-ELCAC magmula pa noong nakaraang mga taon. Dati nang pinag-iinitan ang TIMUN dahil ito umano ay suporter ng NPA. Ngunit, kilala ng mamamayan ang TIMUN bilang isang lehitimong progresibong organisasyon na tumitindig at ipinaglalaban ang kapakanan ng masang anakpawis sa munisipyo.
Sa ilalim ng Anti-Terror Law at programa ng NTF-ELCAC, nahihikayat ang mga LGU na gipitin at ipahamak ang kanyang mamamayan na nagsusulong lamang ng kanilang kolektibong interes. Sumasakay pa ang mismong LGU ng Naguilian sa mga paratang ng administrasyong Duterte hinggil sa Makabayan bloc. May kalayaan ang kahit sinong indibidwal at organisasyon na magpakita ng kanyang suporta para sa mga entidad na tunay na naglilingkod sa kapakanan ng mamamayan.
Mariing kinukundena ng TIMUN ang mga atakeng ito. Patuloy na ipinananawagan ng organisasyon ang pagbabasura ng Anti-Terrow Law at pagbuwag sa NTF-ELCAC. Sa darating na , malinaw ang suporta ng TIMUN para sa mga kandidatong bitbit ang layuning wakasan ang red-tagging at harasment at itaguyod ang demokratikong karapatan ng mamamayan sa pagpapahayag.
ITIGIL ANG RED-TAGGING AT HARASMENT!
ANTI-TERROR LAW, IBASURA!
NTF-ELCAC, BUWAGIN!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Agoo
2504