Project SOS

Project SOS

Share

11/02/2017

Paalam Binibining Onor Medallon
Kaagapay ka namin noon sa hamon
Hindi man kami gaanong seryoso
Minsan o madalas pa nga kami ay perhisyo

Natapos ang apat na taon
Wagas ang iyong pabaon
Pabaon sa pagharap sa buhay
Sa lipunan kami ay naging mahusay

Sa tuwing babalik sa bayang sinilangan
Dama namin ang giliw mo na walang kasinungalingan
Minsan hindi namin maunawaan
Ikaw pala sa gabi ay luhaan

Nagupo ka man ng karamdaman
Hindi man kami kasama sa pinagdaanan
Ngayon ikaw ay mahihimlay
Sa amin puso ikaw ay laging buhay

Pasasalamat ay hindi lubos
Wagas na pagmamahal mo ay di mauubos
Mabubuhay ka sa aming ala-ala
Hangad namin tayo ay muling magkita

Want your school to be the top-listed School/college in Abra de Ilog?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Abra De Ilog
1608