LGO PH Update

LGO PH Update

Share

24/07/2026

RUBIO, TINAWAG NA ‘LUNATICS’ AT ‘CRAZIES’ ANG MGA NASA ICC

Muling binatikos ni U.S. Secretary of State Marco Rubio ang International Criminal Court (ICC), matapos niyang tawaging “lunatics” at “crazies” ang ilang nasa likod ng tribunal.

Sa panayam sa sidelines ng ASEAN Foreign Ministers’ Meeting sa Pasay City, sinabi ni Rubio:

“We have lunatics and crazies involved in the ICC.”
(“May mga baliw at may mga sira-ulo na involved sa ICC.”)

Iginiit din niya na hindi kailanman papayag ang Estados Unidos na mapasailalim sa hurisdiksiyon ng ICC ang mga opisyal o sundalong Amerikano.

“If people want to sign and be a part of that stupid organisation, they can. But we’re not going to be a part of it, and they’re not going to apply their jurisdiction to Americans.”

(“Kung gusto ng ibang bansa na lumagda at maging bahagi ng organisasyong iyan, nasa kanila iyon. Pero hindi kami sasali, at hindi namin hahayaang ipataw ng ICC ang hurisdiksiyon nito sa mga Amerikano.”)

Nauna nang inilunsad ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump ang isang government-wide campaign laban sa ICC, kabilang ang paghikayat sa ibang mga bansa na kumalas sa tribunal at pagbibigay ng mas mahigpit na pressure laban sa korte, na itinuturing ng Washington na banta sa soberanya ng Amerika.

Want your business to be the top-listed Media Company in Lucena?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Lucena