Teemee
21/03/2025
'KUNG ANO ANG TAMA, AT KUNG ANO ANG NASA BATAS, 'YUN SANA ANG DAPAT PAIRALIN.'
Ito ang iginiit ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo , kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte, at paglipat ng kaniyang kustodiya sa International Criminal Court .
Nasa The Hague, Netherlands si Duterte para harapin ang reklamong crimes against humanity sa ilalim ng war on drugs ng kaniyang administrasyon.
Giit ni Zabala, sinumang Pilipino na lumabag sa batas ay dapat litisin sa bansa. Aniya, may kakayahan ang mga hukom sa ating bansa na gampanan ang kanilang tungkulin na ipataw ang hustisya.
"Kapag ang batas ay binalewala ay nagbubunga ito ng kaguluhan, hidwaan, at kawalang hustisya," aniya.
Matatandaang nagsagawa ng National Rally for Peace noong Jan. 13 para isulong ang pagkakaisa sa gitna ng tensyon sa politika.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Roxas Blvd
Manila