Pinoy Go Home Agad Project

Pinoy Go Home Agad Project

Share

12/12/2017

By: Chinkee Tan

THE WORST THING TO HAPPEN TO ANYONE
Magretiro na walang ipon.
Kung yan ang mangyari...
Mapipilitan kang manghihingi sa kaibigan, kapamilya, kapitbahay
at kung kani-kanino.
Aasa ka sa sustento ng ibang tao, sa mga anak mo.

Kapag walang dumating na sustento.
TUNGANGA na lang.
TIIS na lang.
Manghihingi ka na parang pulubi.
Walang hanggan ang pakikiusap mo sa mga tao sa paligid mo.
Nakakahiya kayang manghingi!
Pero wala kang choice dahil pag hindi ka nanghingi paano ka mabubuhay?
Imagine nabigay mo na ang lahat sa anak mo, pero pagdating ng panahon, ikaw naman ang wala.
Makikitira ka! Dahil wala kang sariling bahay. Para kang palaboy na walang sariling tirahan.
Mahirap talaga kung wala ka ring permanenteng tirahan. Alam mo naman na mahirap makitira sa mga kamag-anak, kahit minsan sa mga anak. Pero wala kang magagawa kundi ang lunukin ang lahat at magtiis dahil nga wala ka ng ibang choice.
Yan ang mangyayari kung hindi ka nakapag-plano!
Kung ikaw ang tatanungin ko, handa ka na ba sa iyong kinabukasan?
THINK. REFLECT. APPLY.

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Riyadh?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Riyadh