CDCC Tubotubo Chapter

CDCC Tubotubo Chapter

Share

Photos from CDCC - Zambales Archdiocese 's post 04/04/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐‘๐Ž๐’๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐ˆ๐˜๐„๐‘๐๐„๐’ ๐’๐€๐๐“๐Ž
Matagumpay na naisagawa kahapon ang banal na prosisyon bilang paggunita sa paghihirap at kamatayan ni Hesus. Sa katahimikan, sabay-sabay na naglakad ang mga mananampalataya, tangan ang kanilang mga panalangin at pagninilay.

Sa bawat hakbang at pag-awit, muling binuhay ang diwa ng sakripisyo at wagas na pag-ibig na inialay para sa sangkatauhan.

Photos from CDCC - Zambales Archdiocese 's post 03/04/2026

๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | ๐๐€๐Œ๐Œ๐€๐ƒ๐’๐Ž โ€“ ๐—š๐—ข๐—ข๐—— ๐—™๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—ฌ

Matagumpay na naisakatuparan ng Zambales Archdiocese ang tradisyunal na '๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ข๐™ข๐™–๐™™๐™จ๐™ค' o paggalang sa Krus, bilang paggunita sa sakripisyo ni Hesus. Sa banal na seremonyang ito, ang paghalik sa krus ay simbolo ng malalim na pananampalataya, pag-ibig kay Kristo, at pasasalamat sa Kanyang wagas na sakripisyo.

Nagtipon ang buong probinsya sa mga itinakdang venue para sa katahimikan at panalangin, pinagninilayan ang pagdurusa at kamatayan ni Hesus, na tiniis ang bigat ng kasalanan ng sangkatauhan dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig. Ang tradisyong ito ay paanyaya rin sa bawat isa na magnilay sa sariling espiritwal na paglalakbayโ€”nagbibigay daan sa pagsisisi, kababaang-loob, at panibagong pagtatalaga sa Kanyang aral.

Tulad ng nakasulat sa
๐ˆ๐ฌ๐š๐ข๐š๐ฌ ๐Ÿ“๐Ÿ‘:๐Ÿ“: โ€œ๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐š ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ญ๐š๐ง ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐š๐ง, ๐ฌ๐ข๐ฒ๐š ๐š๐ฒ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ก๐ข๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ง๐š๐ง; ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐ฎ๐ฌ๐š ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š, ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐ฒ๐จโ€™๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ .โ€

Sa pagtatapos ng seremonya at pag-aalay ng Mataas na Misa, paalala sa lahat na sa pamamagitan ng mga sugat ni Kristo, tayo ay hinilom, at sa Kanyang krus, natagpuan natin ang landas tungo sa kaligtasan.

Photos from CDCC - Zambales Archdiocese 's post 03/04/2026

๐๐€๐’๐€ ๐‹๐€๐‘๐€๐–๐€๐ | Matagumpay na naisagawa ang Misa Pammuggo bilang bahagi ng paggunita ng Huwebes Santoโ€”isang makabuluhang paalala ng kababaang-loob at wagas na paglilingkod.

Buong CDCC Probinsya ng Zambales ay nakiisa sa gawaing ito: Mula sa Distrito 1 na ginanap sa Botolan at Amungan Chapter bilang venue, at sa Distrito 2 naman na isinagawa sa Pob. Masinloc Chapter.

Patunay ito ng pagkakaisa at sama-samang pagsasabuhay ng pananampalataya sa bawat distrito.

Nawaโ€™y magpatuloy tayong tularan ang halimbawa ng Panginoon sa pamamagitan ng mapagkumbabang paglilingkod sa kapwa.

๐‡๐จ๐ฌ๐š๐ง๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ-๐ญ๐š๐š๐ฌ๐š๐ง!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Zambales?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Tubotubo South, Sta. Cruz
Zambales
2213