Seek God First
LUBOS NA KAPAYAPAAN...❤️🙏
ISAIAS 26:3 Iyong iniingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pag-iisip ay sumasa lyo, sapagka't siya'y tumitiwala sa Iyo.
Lubos na kapayapaan. Ibibigay ng Dios. Hindi ibig sabihin ay hindi nag-aalala kung mayroong sakit ang anak, asawa o magulang; subalit sa paglapit sa trono ng Ama, ang pagkatakot ay pinapalitan ng kapayapaan.❤️🙏✌️
Kung walang pera o said na ang palabigasan, panatag pa rin na hindi ipahihintulot ng Amang nasa Langit na sila ay sumala sa oras. At sa panahon na may mabigat na suliraning dumating, nagbibigay ng katiyakan na naro-roon Siya upang tumulong.♥️♥️♥️
Subalit ito ay makakamtan ng pusong may lubusang pagtitiwala sa Panginoon.
Ang kaisipan ng mananampalataya ay may proteksiyon sa mga
mapang-abalang bagay, mga bagay na kadalasa'y ikinaba-balisa, kung ito ay nakasandig sa pagkalinga ng Dios doon sa tulong ng Espiritu Santo.
Kaya nga napakahalaga ng
pakikipag-ugnay sa Dios sa pamamagitan ng pag-aaral ng Salita ng Dios at pananalangin. Ito ang magpapatatag at makapagbibigay ng katiyakan ng kasapatan ng ating Ama.
Ito ay umaaktong tila mga sundalo o bantay sa paligid ng ating puso at pag-iisip. Bagama't hindi makikita ay madarama, na Siyang tumutulong upang magdulot ng lubos na kapayapaan sa atin.
PANALANGIN: Salamat, O Dios, Amang mapagmahal! Tunay nga na tanging sa lyo lamang nagmumula ang lubos na kapayapaan ng aming isip, puso at buhay; purihin ang Iyong dakilang Pangalan! Tulungan Mo kami, Panginoon, sa Pangalan ni Jesus. Amen...❤️🙏🙏🙏
Click here to claim your Sponsored Listing.