Bookbie
30/08/2024
Subject : FILIPINO
PANDEMIK
ni: Edward P. Catipay
Isang iglap lang parang kay bilis ng lahat,
mga pagbabagong kay daling lumaganap
buhay ay nagbago dahil sa Covid 19
di natin alam kung ano ang sasapitin.
Covid 19 ay mabagsik na kalaban
di namamalayan at nakikita sa kapaligiran
kung di ka nag-iingat at nagsawalang-bahala
anomang oras ay pwede kang mapinsala.
Ubo, sipon at lagnat akala mo lang karaniwan
di mo namamalayang ito'y may peligrong dulot na sa katawan
kayà huwag mag-atubiling sa manggagamot magpasuri
magpagamot, tumalima at nang ang buhay ay di masawi.
Simbilis ng bala ang tugon nating mga Pilipino
buháy at aktibo ang programang panggobyerno
nagbabalà na mag-social distancing, facemask ay suotin
upang kaanak at pamilya ay mapangalagaan natin.
Tumugon sa ordinansa at utos ng ating pamahalaan
walang-pasubali ito’y para rin sa ating kapakanan
ang sinomang magkasalà at sumuway
kaparusahan at kulungan ang iyong himlay
Ang saya ay napalitan ng lungkot
ang mahalaga ay ligtas tayo at namumuhay ng malugod
kayá natin ito! tanggaping masaya at maigi
new normal ay yakaping may pagtitimpi.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |