Board Member Noel R. Bince Jr.
05/06/2026
Sa bawat pagdalo sa mga events at pakikipag-ugnayan sa ating mga kadistrito, lalo pl nating nauunawaan ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng bawat bayan. Ang inyong mga kwento, suhestyon, at patuloy na pakikiisa ang nagsisilbing gabay upang mas maging makabuluhan at epektibo po ang ating paglilingkod.
Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap at walang sawang suporta. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang mga programang magdadala ng mas maayos na kinabukasan para sa ating distrito. π§‘πβπ»
Isa na namang mahalagang hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan ang matagumpay na pagpasa ng Annual Budget para sa Taong 2026.
Kasama po natin si Vice Mayor Lorna Primicias, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang Local Finance Committee ng Tayug sa mahalagang gawaing ito na nagsisilbing pundasyon ng mas maayos at mas progresibong kinabukasan para sa ating bayan.
Patuloy po tayong maglilingkod nang may malasakit at dedikasyon para sa kapakanan ng bawat Pangasinense. ππ§‘βπ»
02/06/2026
TINGNAN: May magandang oportunidad na naghihintay para sa ating mga kaprobinsiya! π§‘πβπ»
Magsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng ating lalawigan ng Local at Special Recruitment Activity upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon sa trabaho ang ating mga kababayan. Para sa kumpletong detalye, mangyaring basahin ang mga impormasyong nasa mga larawan sa ibaba.
Taus-puso po kaming nagpapaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng aking former teacher, Maβam Norma Reyna BaΓ±ez sa isinagawang Necrological Service.
Isang huwarang g**o na nag-alay ng kanyang buhay sa edukasyon, si Maβam Norma ay nag-iwan ng malalim na impluwensya sa kanyang mga mag-aaral, isa na po ako roon noong Grade 2 sa Tayug Central Elementary School, Tayug, Pangasinan.
Sa pagkakataong ito, ako po ay nagbahagi ng eulogy bilang pagkilala sa kanyang natatanging dedikasyon bilang g**o at tagapaghubog ng kabataan. Kasama ang kanyang pamilya, kapwa g**o, kaibigan, at dating mga estudyante, sama-sama naming ginunita ang kanyang buhay at serbisyo.
Mananatili po siyang inspirasyon sa aming patuloy na paglilingkod sa kapwa. ππ§‘ποΈ
Kaisa po ninyo ang inyong lingkod sa paghahatid ng mga programang tunay na may malasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat pamilya. βπ»
Sa pakikipagtulungan sa ating mahal na Governor Ramon βMon Monβ Guico III, matagumpay nating naihatid ang PhilHealth YAKAP Registration at Guiconsulta Program sa 23 barangay ng bayan ng Santa Maria. Layunin ng programang ito na mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan at mabigyan ng mas maayos na akses ang ating mga kababayan sa mga benepisyong nararapat para sa kanila. π§‘π
Patuloy po nating isusulong ang mga programang nagbibigay ng seguridad at mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat Pangasinense. Sama-sama po nating itaguyod ang isang mas malusog at mas maunlad na komunidad.
ππ§‘βπ»
29/05/2026
Tunay nga na mas nagiging makabuluhan po ang bawat araw ng ating paglilingkod kapag nakakasama, nakakausap, at nakakamayan natin ang ating mga kadistrito.
Ang inyong suporta, tiwala, at simpleng mga ngiti ang patuloy na nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang serbisyong may puso at malasakit para sa bawat mamamayan. π§‘πβπ»
Kung magpalaro rin po kaya ako? Hmm.. π€π
27/05/2026
Sa paggunita po natin ng Eidβl Adha, taus-puso po tayong nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa isang pagdiriwang na sumasalamin sa matibay na pananampalataya, kababaang-loob, at kahalagahan ng sakripisyo para sa kapwa.
Nawaβy magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat upang higit pang pairalin ang malasakit, pagkakaisa, at pag-unawa sa isaβt isa bilang isang komunidad. Dalangin po natin ang patuloy na kapayapaan, biyaya, at pag-asa para sa bawat pamilya at sa buong sambayanan. πβ¨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tayug
2445
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 9am - 5pm |