Ang Tab-Ang
05/04/2026
MGA MAG-AARAL NA NAGSITAPOS NA KABILANG SA ANG TAB-ANG || Maraming salamat po sa inyong aktibong pakikipagpartisipasyon sa Ang Tab-Ang Journalism, lubos po kaming nagpapasalamat sa paggabay nyo sa aming mga mas nakababata sa inyo kung paano maging katiwa-tiwala ang aming mga artikulong ginagawa. Bawat tinta ng ballpen ang isinusulat at inuulat ninyo sa nakararami ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon, sa bawat pahina ng yellow pad, hatid ninyo ang serbisyong makapagbigay ng isang sulatin na mapagkakatiwalaan ng marami at maging sa boses na inyong ginamit upang maghatid ng sariwa at nagbabagang balita para sa karagdagang impormasyon sa marami. Kaya kami ay lubos na humahanga sa inyong angking katapatan, kagalingan at pagkamalikhain. Maraming salamat din po sa pagrepresenta nyo ng ating skwelahan. Pagbati. Mula sa Ang Tab-Ang Family. Hindi namin kayo malilimutan. Congratulations!โจ
05/04/2026
CONGRATULATIONS COMPLETERS || Lubos ang pagbati ng mga mag-aaral sa Ang Tab-Ang journalist sa inyong tagumpay. Ginawa ninyo ang lahat para makamtan ninyo ang pangarap na inyong minimithi-mithi. Kahit anong pagsubok at hamon ang dumadating sainyo, at mga pressure na naibibigay sainyo dahil sa kayo ay mga magsisipagtapos ay inyong napagtagumpayan at ngayon ay narating nyo na. Goodluck sa inyong susunod na tatahakin naway bitbit ninyo lahat ng kaaanasan na inyong naranasan hanggang sa kayo ay makapagtapos sa pag-aaral. Mula sa Ang Tab-Ang Journalist, binabati namin kayo.
06/09/2025
Isang mainit pagbati sa ating mga mahusay na campus journalist! Hindi lang kayo basta nakilahok, kundi kayo ay nag uwi rin ng karangalan! Nag papatunay ito na ang sipag, talino, at dedikasyon ay may bunga. Hindi madali ang maging boses ng kabataan, pero pinatunayan ninyo na kaya niyo! Congrats sainyong nakamit na tagumpay bilang campus journalistโtunay kayong inspirasyon! Mula sa tinta ng inyong mga panulat, dumaloy ang tagumpay. Congratulations, campus journalistโisang karangalang bitbit ninyo para sa ating paaralan!
Pagsulat Ng Editoryal
๐ฅLance Fernand R. Ibaรฑez - 3rd place DSPC QUALIFIER
Pagsulat Ng Lathalain
๐
Mycah C. Cunanan - 5th place
Pagsulat Ng Balita
Juana Micaella L. Viray
Pagsulat Ng Balitang Isports
Kassandra Gail E. Rabina
Pagsulat sa Agham at Teknolohiya
Jhay mari Anne B. Alfonso
Pagsulat Ng Kolum
Chloe Angela F. Bautista
Pagkuha ng Larawang Pampahayagan
Janice H. Limbang
Kartung Pang Editoryal
Roland Kyle C. Manaman
Pagwawasto NG Sipi at Pag-uulo Ng Balita
Patricia Delpilar
Radio broadcasting and Script writing
Kathreen Tongohan
Mark Lourence N. Luspi
Khatelyn C. Marcoleta
Kris Dlare Ortega
Jazz Nazarene A. Carullo
Rhea Catolos
Precious Kriselle Prado
School Paper Adviser
Mrs. Glyvelyn C. Bernardo
Mr. Michael Erald Ortega
06/09/2025
LOOK || MPCNHS Campus Journalists Recognized at Tanay Schools Press Conference
Congratulations to the campus journalists of Marciana P. Catolos National High School for their recognition and active participation in the Tanay Schools Press Conference held at Tanay National High School on September 3โ5, 2025.
English Category
SCHOOL PAPER - The Kalinawan
Column Writing
Francesca M. Valenzuela
๐
2nd Place
DSPC Qualifier
Sports Writing
Cristina R. Lim
๐
3rd Place
DSPC Qualifier
News Writing
Cailey Natassia T. Reyes
๐
4th Place
Also, congratulations to the participants in other categories.
๐Editorial Ariting
Peter Jeffritz S. Oribiana
๐Editorial Cartooning
Carl Justin V. Custodio
๐Feature Writing
Krizalee C. Terencio
๐Science and Technology Writing
Elisse D. Alamarez
๐Copyreading and Headline Writing
Cristine A.
๐Photojournalism
Princes Melisa Mae A. Sanone
๐Script Writing and Radio Broadcasting
Ellynielle B. Jimenez
France Illka Saberdo
Kate Andrea Q. Gomez
Keanna Althea P. Surio
Alieza Jane Moral
Victor Claudio
Brenna C. Lopez
ADVISER: MS. HERMIEL ANN SELOTERIO
FILIPINO Category
SCHOOL PAPER - Ang Tab-Ang
Editorial Writing
Lance Fernand R. Ibaรฑez
๐
2nd Place
DSPC Qualifier
Feature Writing
Mycah C. Cunanan
๐
5th Place
Also, congratulations to the participants in other categories.
๐News Writing
Juana Micaella L. Viray
๐Sports Writing
Kassandra Gail E. Rabina
๐Sci-tech Writing
Jhay Mari Anne B. Alfonso
๐Column Writing
Chloe Angela F. Bautista
๐Photojournalism
Janice H. Limbang
๐Editorial Cartooning
Roland Kyle C. Manaman
๐Copyreading and Headline Writing
Patricia Delpilar
๐Radio Broadcasting
Kathreen Estelle M. Tongohan
Mark Lourence N. Luspi
Khatelyn C. Marcoleta
Kris Dlare Ortega
Jazz Nazarene A. Carullo
Rhea Catolos
precious Kriselle Prado
ADVISERS: MS. GLYVELYN BERNARDO AND MR. MICHAEL ERALD ORTEGA
Your dedication, passion, and commitment to campus journalism embody the values of excellence and perseverance. The entire MPCNHS community is proud of your achievements and looks forward to your continued success in future competitions.
26/08/2025
๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ | ๐
๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐จ ๐
๐ฎ๐ง๐๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ?
Taon-taon, binabaha tayo. Taon-taon, milyon-milyonโkung hindi bilyonโang inilalabas para sa mga proyektong tinatawag nilang โflood control.โ Pero bakit sa tuwing uulan nang bahagyang malakas lang, lumulubog pa rin ang ating mga lungsod? Tanong: flood control ba talaga ang ginagawa, o funds control?
Nakakapagod at nakakabingi na marinig ang parehong dahilan: โBiglaang pag-ulan,โ โhindi inaasahang dami ng tubig,โ โbaradong kanal.โ Pero hindi baโt tungkulin ng pamahalaan na ihanda tayo sa mga bagay na paulit-ulit nang nangyayari? Hindi na ito sakuna na hindi inaasahanโitoโy sakunang pinapayagan.
Ang mas nakakalungkot, tila mas prayoridad ang pagtatayo ng mamahaling imprastruktura para sa sariling interes kaysa sa tunay na pangmatagalang solusyon. Saan napupunta ang pondo? Sa makakapal na kontrata para sa proyektong hindi naman makakapigil sa baha kung basura ang ugat ng problema. Sa mga proyektong pang-photo op, hindi sa edukasyong pangkalikasan o mahigpit na pagpapatupad ng zoning laws.
Itinampok pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang problemang ito: isang flood control project na bilyon ang halaga, ngunit isang pitik lang tila gumuho? Ito baโy sanhi ng lakas ng baha o bumabahang pangungurakot? Nasaan ang hustisya para sa pondong galing sa buwis ng mga Pilipino? Sino ang dapat managot? Kailan kaya tayo makakakita ng totoong aksyonโhindi palabas na may halong panggogoyo?
Nasaan ang malasakit? Hindi pa ba sapat ang bawat buhay na paulit-ulit na nawawala? Ang meron lang ay cycle ng proyekto, bidding, at kitaโhabang ang mahihirap, patuloy na nalulunod. Hindi ba sapat na kabuhayan ang sumasadsad at perang bayan ang nasasayang?
Kasabay ng paglalim ng baha ay ang patuloy na pagkalunod ng mga nasa laylayan sa problema kung paano muling makakaahon at makatatayo sa kanilang buhay.
Kailan kaya matutugunan ang problemang ito? Bigyang-pansin sana ng mga nasa posisyon ang alingawngaw ng hinaing ng taumbayan. Kung hindi magbabago ang bulok na sistemang mas abala sa pangungurakot kaysa sa pangangalaga, mananatiling baha ang simbolo ng kawalan natin ng direksyon. Hindi lang tubig ang dumadaloy sa lansangan kapag umuulan; dumadaloy din ang ating tiwalaโpalayo sa mga namumuno.
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ก๐ซ๐๐๐ง ๐๐จ๐ง๐ ๐จ๐ก๐๐ง | ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ง๐ฎ๐ ๐จ๐ญ
โ๐๐ก๐๐ญ๐๐ฅ๐ฒ๐ง ๐๐๐ซ๐๐จ๐ฅ๐๐ญ๐ | ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ง๐ฎ๐ ๐จ๐ญ
โ๐๐๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข ๐๐ก๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐๐๐จ๐ซ | Taga anyo ng Pahina
โ
26/08/2025
๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ | ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง
Kamakailan lamang, nag deklara ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipagbawal ang pag-uugnay ng mga e-wallet sa mga online platform sapagkat ito ay illegal at mayroong masamang epekto sa'tin at sa bansa.
Iniuulat naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na 50% ang bumaba sa mga transaksyon sa online sugal simula nang ipinatupad ang pagbabawal, ngunit may mga sugarol pa rin na patuloy sumusuway sa batas.
"Thank you, scatter" salitang naririnig natin ngayon, galing sa mga kabataan at ginagawang biro, ngunit hindi nila alam na maraming sugarol ang naapektuhan nito at nag dulot ng masamang epekto gaya ng pagkalulong sa laro dahil ginawang libangan at minsa'y pinagkakakitaan. Nalugi din sila at nasira ang bawat pamilya.
Kaya dapat na maging maingat tayo sa mga platform at iwasan ang illegal gaya ng sugal dahil ito ay nakakasira ng buhay. Estudyante man o matanda, kailangan maging responsable sa lahat ng oras at huwag magpapadala sapagkat may panganib itong dala.
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐ก๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ | Manunulat ng Kolum
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ ๐ง๐ข ๐๐ฒ๐ฅ๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ๐๐ง | Dibuhista
๐๐๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข ๐๐ก๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐๐๐จ๐ซ | Taga anyo ng Pahina
12/08/2025
2025 SCHOOL- BASED PRESS CONFERENCE IN ENGLISH AND FILIPINO
Congratulations to the winners of each category!..
Winners in Editorial Writing (Filipino) and Copy Reading and Headline Writing (English and Filipino) - To be announced
Thank you for participating and see you on the upcoming competitions!
06/08/2025
BUKAS NA!
TARA NA SA SCHOOL PRESSCON 2025!
Handa ka na bang makisabak sa larangan ng campus journalism? โ๏ธ Samahan kami bukas sa Press Conference sa ating paraalan at ipamalas ang husay sa pagsulat, pag guhit, at pagbabalita! Ang talino at husay mo sa pamamahayag ay handa nang masilayan.
๐ Petsa: August 7, 2025
๐Oras: 7:00 am - 5:00 pm
Maging bahagi ng makulay na mundo ng pamamahayag sa paaralan kung saan ang bawat salita ay may saysay, at bawat kuwento ay may boses.
๐ฃ Kita-kits, mga campus journalists! ๐
โ๐ผ : Kathreen Tongohan At Khatelyn Marcoleta
๐ผ๏ธ : Kathreen Tongohan At Khatelyn Marcoleta
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tanay
1980