FITS Tanay
06/04/2026
Tagumpay para sa Agrikultura!
Isang pagkilala mula sa Department of Agriculture CALABARZON para sa ating Municipal Agriculture Office - Tanay at kay G. Jovencio Reyes (Shortlisted Outstanding AEW) sa ika-50 National Gawad Saka. Patunay ito ng tapat at mahusay na serbisyo para sa mga magsasaka ng Tanay.
13/03/2026
Sa pakikipag-ugnayan ng DA-Calabarzon Research Division, katuwang ang Lipa Agricultural Research and Experiment Station, ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Tanay ay nagsagawa ng Pagpupulong at Site Validation sa So. Pantay Upland/Lowland Farmers Association sa So. Pantay, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal para sa gagawing pananaliksik ukol "Scale up High-yielding Ädaptive Irrigated, In**ed and Saline Rice Varieties". Bahagi rin nito ang pangangalap ng mga base-line data sa mga magsasaka na magsisilbing cooperator ng proyekto.
13/03/2026
Katuwang ang Provincial Veterinary Office ng Rizal, nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Surveillance and Monitoring sa mga nag-aalaga ng Itik, Manok at Bibi sa Barangay Wawa at Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal bilang tugon sa pagpapanatili ng ating bayan sa pagiging Avian Influenza Free Municipality.
10/03/2026
Anti Rabies Vaccination para sa mg A*o at Pusa sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal (So. Seatto Hills, So. Sibana, So. Hinadyungan, So. Macaira, So. Malapapaya, So. Masanting, So. Lalabasin at So. Mala-Anonang) mula Pebrero 24 hanggang Marso 6, 2026.
Total Animal Vaccinated: 725
Dogs: 579
Catas: 145
Monkey: 1
Total Client Served: 281
Male: 101
Female: 180
27/02/2026
Pang-Apat na Learning Site for Agriculture (LSA) sa Bayan ng Tanay, Rizal inilunsad....
Kinilala ang THE APIARY MOUNTAIN CAMP AND FARM sa Sitio Maysawa, Brgy. Cuyambay bilang bagong Learning Site for Agriculture sa Bayan ng Tanay, Rizal. Tampok sa paglulunsad na ito ang paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng may-ari ng The Apiary Mountain Camp and Farm at ATICalabarzon
Ang paglulunsad at paglagda ng MOU ay pinangunahan ni Dr. Rolando V. Maningas, ang Center Director ng ATICalabarzon, Bb. Ma. Nica Francesca Mandilag, Co-Owner ng The Apiary Mountain Camp and Farm na sinaksihan ni G. Severino Ocampo Jr., Executive Assistant ni Kgg. Rex Manuel C. Tanjuatco (Punong Bayan ng Tanay). Dumalo rin sa gawain sina Kgg. Elisa Rivera, (Kagawad, Brgy. Cuyambay), mga kawani ng Pambayang Agrikultor ng Tanay at BSWM-Cuyambay Research Station.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tanay
1980