In Christ Alone Christian Fellowship - Tanay

In Christ Alone Christian Fellowship - Tanay

Share

14/10/2024

Good morning, mga kapatid!! Makamit nawa nating lahat ang bagong pagpapala ng Diyos para sa ating lahat sa linggong ito. Hawak ng Diyos ang lahat ng bagay. Sa Kanya natin ipagkatiwala ang lahat. Piliing gawin ang matuwid sa lahat ng panahon at Siya ay sasaatin. Aleluya!!

God bless us all!!
β€οΈπŸ™πŸ€πŸ™‚πŸ«°πŸŒž

09/10/2024

Mapagpalang Miyerkules ng umaga,mga minamahal kay Kristo! Nawa ay malusog kayong lahat sa pangangatawan at sa espiritu. πŸ˜€πŸ‘β€οΈπŸ‘

Naaalala ko ang isang pabirong hamon sa mga tagapakinig ng isang pastor : β€œMahal nyo ba ang Diyos? Alam nyo bang ang Diyos ay pag-ibig? Tingnan nyo ang katabi nyo, kung hindi nyo sila kayang mahalin, hindi nyo rin kayang mahalin ang Diyos.”

Nakakatawa ngunit malalim ang hamon na ito ng pastor na yaon. Habang ako’y tumatagal sa aking paglakad sa Panginoon, mas nauunawaan ko na totoo pala ang hamong iyon.

Tayo man ay minahal ni Kristo kahit na di tayo kaibig-ibig. Sa kabila ng ating matitigas na puso at matigas na ulo, patuloy at hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin pa ring tinatamasa ang Kanyang pag-iingat bagaman lagi tyong may pagkukulang sa Kanya.

Ang ating maingay na kapitbahay, o aroganteng kaopisina. Ang ating palamurang kapamilya o ang abusadong kamag-anak. Sila man din ay iniibig ng Diyos. Ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sayo at para sa atin kahit tayo ay wala pang pag-ibig sa Kanya. Ganyan tayo kamahal ni Kristo.

Kapatid, mahal mo ba ang kapitbahay mo? Kailan ka nagpakita ng pagmamahal sa isang kinaiinisang tao? Mahalin natin sila. Tularan natin si Kristo. Aleluya!!!

God bless us all!!
πŸ˜€β€οΈπŸ‘πŸ€—πŸ‘πŸΌπŸŒžβ˜•οΈ

Telephone

Website