AMC Riders Community 2019
26/07/2025
Maligayang Kapistahan ni Mahal na Poong Santa Ana,
Ang patrona ng Lungsod ng Taguig.
Ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni Mahal na Poong Santa Ana, ang patrona ng Lungsod ng Taguig.
Ana (sa Hebreo, “biyaya”) ang pangalan ng naging asawa ni Joaquin na galing sa tribo ni Juda at sa lahi ni Haring David. Ang pinakamalaking biyaya dulot ni Santa Ana ay ang kanyang anak— ang Mahal na Birheng Maria, ang ina ng ating Panginoong Hesukristo.
PASASALAMAT SA DIYOS
Mapagmahal na Ama na puno ng kaluwalhatian, pinili mo si Santa Ana na maging dakilang ina ng Birheng Maria. Pinili mo siya sa pagtupad ng tungkulin na gabayan ang paglaki ng Birheng Maria sa kabanalan. Nagpapasalamat kami sa pagpili mo kay Santa Ana, na maging huwarang ina, banal na tagapag-alaga ng Ina ng Panginoong Hesus. Nagpapasalamat kami sa kabanalan ni Santa Ana na naging karapatdapat na kasangkapan sa paghirang kay Birheng Maria bilang piniling Ina ng aming Tagapagligtas.
Luwalhati sa Iyo Diyos Ama, pinupuri ka namin dahil sa dakila mong pagmamahal at pagkamaawain. Luwalhati sa iyo na tunay na minamahal ng mga banal sa langit. Ikaw ang aming dakilang Diyos, mapagmahal na Ama namin at ni Kristo, aming Tagapagligtas, kaisa ng Banal na Espiritu sa buhay na walang hanggan. Amen.
Mahal na Poong Santa Ana, salamat at patuloy mo kaming ipanalangin!
14/06/2025
Hindi dito matatapos ang Arangkada ng ating Buhay!
06/05/2025
Team AMC "Miting de Avance"
May 08, 2025 | 6:00 PM
Bantayan Rd corner Levi Mariano Ave. Brgy. Palingon, Taguig City (Beside Pepsi)
Click here to claim your Sponsored Listing.