Romance Stories Collection - Tagalog

Romance Stories Collection - Tagalog

Share

03/02/2026

Revenge;Reverse

Chapter 46

Mary

“Napakaganda talaga ng alaga ko..” tipid akong napangiti sa sinabi ni Yaya Susan, habang kapwa kami nakatingin sa salamin.

Tila proud na proud ito habang nakatitig sa akin at inaayos pa ng bahagya ang neckline ng suot kong gown.

“Nagbalik na iyong dating ganda mo, pati ang tindig ng katawan mo. Bagay na bagay syao ang gown mo, Señorita.” Napasipat ako sa sarili kong katawan. Nagkalaman na nga ako uli. Nagkaroon na rin ng buhay ang maputla kong kulay. Malambot at makaintab na uli ang buhok ko.

“Siguro ay mabait ang tinuluyan mo noong nakatakas ka rito. Mukhang inalagaan at kinupkop ka nila ng maayos..” Pero unti unti akong natigilan.

“Mabuting tao ang tumulong sa akin, Yaya. Napakabuti niya.”

Tila bigla ay isa isang nagbalik sa alaala ko ang mga tagpo noong nais pa akong paghigantihan ni Santino. Ang ilang ulit na pagtatangka niya sa buhay ko, pero sa huli ay siya rin naman ang nagdudugtong niyon.

“Matanong ko lang..” naagaw nitong muli ang pansin ko.

“Narinig ko noong nagtatalo kayo ng mga magulang mo. Totoo ba na buhay ang kasintahan mo? Buhay nga ba si Santiago? “ napaawang ang labi ko. Hindi ko na sana iyon balak pang sabihin sa kanya, dahil wala na rin namang saysay ngayon pang malapit na akong ikasal.

“Hindi, Yaya.” Napaawang rin ang labi nito at tumango tango.

“Pero maniniwala ka ba, na ang taong kumopkop sakin, ay kamukhang kamukha niya?” Kumunot ang noo nito.

“Posible ba iyon?” inosenteng niya pang tanong. Tumango lamang ako at ngumiti.

“Siya si Santino, at kakambal siya ni Santiago.” Napasinghap si Yaya Susan at nanlaki ang mga mata.

“T-Totoo ba ang sinabi mo?” Tumango akong muli.

“Noong gabi na tumakas kami ni Marie, hindi ko naman talaga nagawang makatakas, dahil ang totoo ay may dumukot sa akin at pakay rin nila akong kunin ng gabing iyon.” Napasinghap itong muli.

“Ilang beses niya akong pinagtangkaang patayin para ipaghiganti ang pagk**atay ng kakambal niya sa k**ay ng pamilya ko. Pero sa kabila niyon, ay hindi naman niya ako tinutuluyan.” Bahagy akong natawa habang sinasariwa ang mga alaalang iyon.

“Diyos ko! Kung ganun ay hindi rin naman pala naging maganda ang kalagayan mo noong nakalabas ka rito? Buong akala ko pa naman ay napunta ka sa magandang k**ay..” Magbuntong hininga ako.

“Akala ko rin noon katapusan ko na. Pero hindi pala ganon ang plano ng Diyos. Kasi, hindi naman pala siya masamang tao. Ang nais niya lang ay makabawi sa akin at sa pamilya ko. Pero hindi na mangyayari yun.” Muling kumunot ang noo ni Yaya Susan.

“Dahil..natutunan naming ibigin ang isa'tisa.” Napatakip ito ng bibig.

“K-Kung ganun..h-hindi kaya..baka dahil kamukha niya lang si Santiago kaya iniisip mong iniibig mo ang lalaking iyon?” Ngumiti ako.

“Iyan rin nag inakala ko nung una. Pero napatunayan ko na hindi yan ang dahilan. Dahil kahit kambal sila at magkamukhang magkamukha ay magkaibang magkaiba naman sila sa pag uugali at paniniwala.” Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi.

“Mas lalong dapat ka palang makaalis dito. Kung ganyang may mahal ka na pala, hindi tamang magpakasal ka sa iba, Señorita.” Napabuga ako ng hangin kasunod ang isang malalim na buntong hininga.

“Ngayon pa bang gabi na ng engagement party, Yaya? Baka kapag tumakas ako ay lalong maging magulo ang lahat. Lalo na kapag napahiya na naman si Papa. Isa pa, si Mikee ang iniisip ko. Gusto kong makapagbagong buhay siya at bumalik sa dati. Kailangan kong gawin ito para sa kapatid ko.” Hinawakan ni Yaya ang k**ay ko.

“Kailan mo ba iisipin ang sarili mo? Huwag mong kalimutan na buhay mo iyan. May karapatan kang lumigaya at maging malaya.”

“Huli na uli ang lahat, Yaya Susan. Nakapag desisyon na ako. At itutuloy ko ang kasal.” Namayani ang saglit na katahimikan.

“Salamat nga pala, Yaya Susan. Kasi ikaw ang kasama ko sa espesyal na gabing ito imbes na ang sarili kong Mama. Hindi mo ako iniwan mula pa noon, kahit minsan ay nasasaktan kita kapag nawawalan ako ng kontrol sa sarili..” Malungkot itong ngumiti.

“Hangga't kaya kitang alalayan at alagaan, mananatili ako sa tabi mo. Mahal kita na parang tunay ko ng anak. Pero ngayon, aalis ka na naman pagkatapos ng kasal mo. Balik kusina na naman ako..” Natatawa naman ito ngayon.

“Huwag kang mag alala, Yaya. Susubukan kong kausapin si Mama't Paap tungkol sayo. Hindi ako papayag na hindi kita kasama kapag umalis ako rito.

“Sapat na sa akin na malamang mapupunta ka sa mabuting k**ay. Ayoko ng mahirapan at masaktan ka pa uli, masyado ng mahirap ang mga pinagdaanan mo.” Pinahid nito nag luhang kamuntik ng pumatak sa aking mata.

----------

“Huwag mo muna aalisin ang maskara mo hangga't hindi kayo napagiisa ng groom to be. Iyon ang instruction ng mga magulang ninyo. Pagkatapos ng dinner ay maaari na kayong umalis para mapag isa, kung iyon ang gusto ninyo..” tila nanunudyong sabi ng organizer.

“Napakaganda naman pala ng bride to be na ito..pero napaka gwapo rin naman ng groom mo at bagay na bagay kayo.” Tipid lang akong ngumiti.

“Totoo ba na hindi pa kayo nagkikita? Hindi common ang ganitong senaryo sa mga ikakasal eh?Well..in general ha?” Tanong nito.

“Eherm..pasensya ka na. Curious lang kasi ako, nakaka excite lang kasi ang ganitong eksena eh..” Anito habang pasilip silip sa kurtinang hinihintay na lamang naming bumukas.

Kinakabahan ako, oo. Kaya halos hindi ko siya masagot mula pa kaninang dinadaldal niya ako. Hindi ko na rin kasi gaanong mapakalma ang sarili ko.
Parang kahapon lang noong magkasama pa kami ni Santino. Pero ngayon, heto ako at mae-engage na sa iba, sa taong ni minsan ay hindi ko pa nakita o nakilala.

Paano kung hindi ko matiis o kayanin?

Paano kung bigla na lang akong umayaw at mag walk out?

Kaya ko ba?

Pero paano ako makakaalis kung tila isang batalyon naman ang pinagsamang pwersa ng mga bantay ng mga Crisostomo at Delgado?

Si Santino? Darating ba siya para tutulan ang gabing ito?

Pero paano siya darating gayung hindi naman niya alam?

Malamang ay muli siyang mamumuhi sa akin kapag nalaman niya.

At hindi ko alam kung makakayan ko bang harapin ang galit niya. O magkakaharap pa nga ba kami? Siguro ay hindi na.

Santino! sigaw ng puso ko.

“Ay ano na? Tinatawag ka na Mam..” pukaw sa akin ng organizer. Agad namang kumabog ang dibdib ko at nanlamig ang aking mga k**ay. Ito na! Ito na yun, at wala ng atrasan!

“Okay..hingang malalim okay? Huwag mahihiya, basta smile lang! 1..2..3..!” Nagliliwanag na mga ilaw ang sumalubong sa aking mga mata, matapos nitong hawiin ang kurtinang tumatakip paakyat sa entablado.

Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko ng walang maaaninag dahil sa liwanag na iyon. Malakas rin ang palakpakan ng mga bisita, na sigurado akong wala naman akong kilala ni isa.

“Ladies and Gentlemen, our bride to be! Ms. Mary Margarette Crisostomo!”
Bungad na anunsyo ng host. Hindi ko alam, pero sigurado ako na hindi ko magawang ngumiti, sa halip ay mas iniintindi ko pa ang pagkasilaw sa liwanag.
Naramdaman ko na lamang ang isang k**ay na umabot sa aking palad at inalalayan ako sa pag akyat doon.

Si Mikee.

Agad ko siyang nilingon, maayos at maaliwalas ang kanyang awra sa suot na kulay dagat na tuxedo. Tila ba nagbalik ang itsura niya noong maayos pa ang lahat. Mahigpit akong kumapit sa kanyang braso, na para bang ayaw ko ng bumitiw. Umaasa na sa pagkakataong iyon, ay mapaghugutan ko soya ng lakas. Na ipagtatanggol niya ako.

“Naroon ang groom mo..” pero napayuko na lamang ako.

Hanggang sa huminto kami sa gitna. Ilang ulit akong napalunok, habang pigil ang mga luhang nais maglandas sa aking mga mata.

Santino..sana ikaw na lang..sana ikaw na lang. Paulit ulit na sigaw ng isip ko.
Isang k**ay ang ngaayon ay nakalahad sa aking harapan. Ayokong isipin na ibang tao iyon, kahit alam kong iyon ang katotohanan.

Unti unti akong nag angat ng tingin. Pigil ang hininga habang nagbabaybay pataas ang aking paningin, sa kulay abong tuxedong iyon. Hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Agad akong nagbawi, pero wala ng nagawa kundi tanggapin ang nakalahad niyang palad.

Marahan niya akong inalalayan hanggang sa pwesto kung saan kami mauupo.

“May we all stand everyone to give our sweet couple a toast!?” Paanyaya ng host.

Para akong puppet na pinakikilos lamang. Tinanggap ko ang wine glass na iniabot sa akin at ininom iyon. Palakpakan uli. Namalayan ko na lamang, na nakaupo na ako at bahagya ng nabawasan ang liwanag sa paligid. Halos hindi ko makilala ang espasyong ito sa harap ng Mansion. Napakaganda at nakapahusay kung sino man ang nagdesenyo nito.

Mabilis ko ring pinasadahan ng tingin ang mga bilog ng mesa, kung saan naroon ang mga bisita.

Sa gawing unahan, ay ang pwesto nila Mama't Papa. Kahilera ang pamilya ng mga Delgado.

Nagsimula na ang programa, at ni hindi ako nakikinig doon. Marahil ay dahil hindi rin ako interesado.

“You seem lost.” Sapat ang lakas ng kanyang boses para madinig ko iyon. Magkalapit na magkalapit rin kami at halos magkadikit na ang mga balikat sa pagkakaupo sa isang pangdalawahang sofa.

Malamig ang boses niya, may himig pagka misteryoso, kagaya ng mukha niya sa likod ng maskarang suot. Hindi ako sumagot, sa halip ay saglit kong iniayos ang suot kong maskara bago ipinagsalikop ang aking mga k**ay.

Pero nabigla ako ng abutin niya't mahigpit na hinawakan ang isang k**ay ko. Tinangka kong bawiin iyon, pero dahil sadyang mas malakas siya ay hindi ko nagawa.

“Don't make a scene. You're parents wouldn't like it..” Agad akong napalingon sa kanya.

Bina-blackmail niya ba ako?

Makikipagtagisan sana ako ng tingin sa kanya, pero bigla akong kinilabutan ng sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.

Wala na akong nagawa kundi titigan na lamang ang mga k**ay namin.

Patawarin mo ako, Santino!

Ayokong magkasala sayo, pero wala akong magawa!
-----------

Halos labing limang minuto pa lamang na tumatakbo ang programa, pero pakiramdam ko ay ilang oras na akong nakaupo roon. Habang hindi mawala wala ang nerbyos at pagkailang sa lalaking katabi ko, na tila ba komportable lamang sa aking tabi. Minsan ay humahawak sa aking k**ay, minsan naman ay umaakabay pa sa balikat ko na para bang ayos lang sa akin ang ginagawa niya.

“Don't worry, after dinner we will have our privacy.” Tila nanunukso pa niyang bulong sa akin.

Diyos ko!

Hindi pwede! Baka kung anong gawin niya sakin!?

Saan ba ako pwedeng magtago!?

“Afterall, were gonna be husband and wife right?” Hindi ko na siya nilingon at kunwa'y hindi na lamang narinig ang sinabi niya.

Alam kong doon kami patungo. Pero, ganito ba kabilis?

Masyado ka lang nag aalala, Mary. Baka naman gusto ka lang niyang kausapin para mas makilala ka niya. Sagot ng isip ko. Pasimple ko siyang sinulyapan, abala na siya sa pakikinig sa host. Tuloy ay palihim kong napagmasdan ang kalahati ng kanyang mukha mula sa matangos niyang ilong hanggang sa kanyang labi.
Sa tingin ko ay may itsura siya, o baka tama ang sinabi ng organizer kanina, baka nga gwapo siya.

Pero sapat ba iyon para agad akong makomportable sa presensya niya? Oo nga't mapapangasawa ko siya, pero ang puso ko ay para kay Santino lang.

“Now, let's proceed to the introduction of the couple's parents and let us hear their best wishes for them..” Gustong umikot ng mga mata ko sa narinig. Alam ko namang puro pagkukunwari lamang ang inihandang speech ni Mama't Papa.

Unang tinawag ang mag asawang Delgado. Bahagya pang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking k**ay. Marahan din siyang tumuwid sa pagkakaupo pero hindi man lamang nilingon ang kanyang mga magulang habang nagsasalita ang mga ito.

Pakiramdam ko tuloy ay responsibilidad kong pakinggan ang sinasabi ng mga ito dahil tila hindi naman nakatuon ang atensyon ng kanilang anak.

Kung titingnan at pakikinggan, ay mukha namang sinsero ang mag asawa. Iyon nga lamang ay hindi ko mabakas ang emosyon sa kanila. O marahil ay inihahalintulad ko lamang sila sa sarili kong mga magulang.

Matapos ang speech ng mag asawa, ay sumunod namang umakyat sa ebtablado si Mama't Papa. Kaya ayaw ko man, ay ako naman ang umiwas ng tingin. Mahirap kasing pilitin ang sarili lalo't sukdulan na ang sama ng loob ko sa kanila.

“I guess were on the same boat?” wala sa loob na napalingon ako sa kanya. Nagbuntong hininga ako at yumuko na lamang.

Kung ganun ay tama ang iniisip ko. Marahil ay may sama rin siya ng loob sa kanyang mga magulang. O baka, hindi niya rin gusto ang kalokohang ito?

------------

Parang bigla ay gusto ko na lamang maging daga, para lamang makasuot kung saan man makakasiksik para magtago. Walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko habang nakasunod sa lalaking hawak ang aking k**ay.

Matapos ang dinner, kung saan hindi naman ako nakasubo man lang kahit na isang kutsara, dahil sa kawalang gana. Ay heto na ako ngayon at sunod sunuran sa kanya para sa aming “privacy”.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, kahit narito lang naman kami sa Mansion. Pero base sa mga decorasyon mula pinto hanggang sa hagdan ay sa ikalawang palapag kami tutungo. Hindi ko rin alam kung anong ginawa sa kwartong iyon pero alam kong patungo kami sa silid kung saan ako namalagi ng maraming taon sa kadiliman. Atubili kong hinila ang kanyang k**ay. Agad naman siyang napahinto at nilingon ako.

“P-Pwede bang..sa sala na lang tayo-?”

“No.” Matigas niyang tanggi.

“I want to be alone with you.” Kasunod niyon ay tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

Diyos ko!

Nanlalamig ang mg k**ay na niyakap ko na lamang ang aking sarili ng marating namin ang tapat ng pinto. Malaki ang pinagbago ng ikalawang palapag na ito. At malayong malayo na sa madilim at tila minumultong pasilyo at mga espasyo. Maaliwalas na at punong puno ng makabagong mga kagamitan at mga mwebles.

*Are you ready?” Hinarap niya pa ako para tanungin. Nag iwas lamang ako ng tingin.

“Don't worry. You will like what you will see.” Makahulugan pa niyang sabi. Hindi ko alam kung bastos ba yun o hindi. Pero mas lalong hindi ako nakomportable.
Hanggang sa buksan na nito ang pinto at nagpatiunang pumasok. Samantalang ako naman ay urong sulong at nagdadalawang isip pa.

Kung tumakbo na lang kaya ako? Pero mabigat ang suot ko, sinadya ba nila na pati ang suot kong ito ay pahirapan ako? Naiiling na tila tinanggap ko na lamang ang pagkatalo at sumunod na pumasok sa loob niyon.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang hindi namang mukhang love nest ang itsura ng kwarto sa loob, tila ginawa lamang iyong living room na kulay puti at asul ang tema. Masarap at maginhawa sa mata at higit sa lahat ay nakahinga na ako ng mlauwag ng makitang wala namang k**a doon.

Haay! Ang dumi pala ng isip ko.

“The wait is over.” Aniya. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Nilingon ko siya, pero lumingon rin siya sa gawi ng bintana na hindi ko napansing may tao pala!

Nakatalikod ito at nakapamulsa sa harap ng nakabukas na bintana.

Muli kong nilingon si Adam. Pero ngumisi lamang siya.

Napalunok ako habang ang pakiramdam ko ay papanawan na ako ng ulirat sa labis na takot at kaba.

“A-Anong ibig sabihin nito?” Nauutal kong tanong.

Chapter not edited.

A/N: Sino na naman kaya yang nakatalikod na iyan, hane?

CTTO

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Tagaytay City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Tagaytay City