Teacher Randy
20/04/2026
Ang pagpili ng simbahan ay desisyong espiritwal, ngunit mahalagang tandaan na ang Pastor ay tinawag upang maging "pastol"~tagapangalaga, hindi tagapaghari o tagasira ng damdamin.
Kung ang iyong Pastor ay nagpapakita na ng mga sumusunod na katangian, maaaring ito ay hudyat na hindi na malusog ang iyong kapaligiran at panahon na para humanap ng mas maayos na komunidad:
1. Ang "Guilt Tripper"
Ito ang Pastor na ginagamit ang pulpito para iparamdam sa iyo na hinding-hindi ka sapat. Madalas niyang gamitin ang salita ng Diyos para "ipahiya" ang mga miyembro o para pilitin silang gumawa ng mga bagay na labas na sa kanilang kakayahan.
Paano siya gumagalaw: Gagamit siya ng mga linyang tulad ng, "Kung tunay kang nagmamahal sa Diyos, gagawin mo ito," o kaya ay gagawing halimbawa ang iyong mga pagkakamali sa harap ng marami para lamang sumunod ka sa gusto niya. Ang pagsunod mo ay nagmumula na sa takot at hiya, hindi sa pagmamahal sa Panginoon. Babantaan ka sa mga bagay ma imbes wala na sayo, gaya ng ,sakit o trauma. Sasabihan ka pa ng "Sge kung di mo gawin ito tandaan mong ang Diyos nagpa aral sa iyo"
2. Ang "Financial Controller"
Bagama’t mahalaga ang pagbibigay o tithing, ang pulang bandila ay kapag ang pokus ng bawat sermon ay umiikot na lamang sa pera.
Paano siya gumagalaw: Nagtatakda siya ng mga kondisyon na ang pagpapala ng Diyos ay nakadepende lamang sa halagang ibinibigay mo. Kapag nagigipit ka, imbes na ipanalangin at tulungan, ipaparamdam pa sa iyo na "sinusumpa" ka dahil hindi ka nakakapagbigay nang sapat.
3. Ang "Unquestionable Authority"
Kapag ang Pastor ay naniniwala na siya ay "hindi nagkakamali" at ang anumang pagpuna o tanong sa kanyang desisyon ay itinuturing niyang pagrerebelde sa Diyos.
Paano siya gumagalaw: Inilalayo niya ang sarili sa accountability. Kapag may nagtanong nang maayos, agad niyang sasabihing "Touch not my anointed." Ang ganitong sistema ay madaling humantong sa spiritual abuse dahil walang sinumang pwedeng magtuwid sa kanya kahit mali na ang direksyon.
4. Ang Tagahasik ng Takot (Fear Mongerer)
Imbes na pag-asa, pag-ibig, at biyaya ang maramdaman mo paglabas ng simbahan, puro takot at panganib ang itinatanim niya sa iyong isipan.
Palagi niyang ginagamit ang "impiyerno" o "sumpa" para kontrolin ang kilos ng mga miyembro. Ang relasyon mo sa Diyos ay hindi na lumalago dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa takot na baka kidlatan ka o parusahan sa bawat galaw mo.
Tandaan:
Ang simbahan ay dapat na maging ospital para sa mga sugatang kaluluwa at hindi kulungan para sa mga kontroladong tao. Sabi sa 1 Pedro 5:2-3:
"Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo... huwag kayong maghari-harian sa inyong nasasakupan, kundi maging huwaran kayo sa kawan."
Kung ang iyong Pastor ay nagiging hadlang na sa iyong kapayapaan at direktang relasyon sa Diyos, tandaan na ang iyong katapatan ay nasa Panginoon, hindi sa isang tao o organisasyon na nakakalimot na sa tunay na diwa ng paglilingkod.
10/04/2026
Pure island vibes, peaceful moments, and memories worth keeping. ❤️
Thanks, Mam Karen🙏
Congratulations, Balite SHS Class of 2026
THE SOLID HOPEFULS!
iloveu.
-SirRandy
Click here to claim your Sponsored Listing.