Subic NHS- Aral Program: Project Bumasa
11/11/2025
Napakagandang makita na kinilala ng National Book Development Board - Philippines ang mga pagsisikap na ginagawa natin through The Book Nook Subic, Zambales
Para ito sa ating Aral Tutors, sa ating mga mag-aaral, at sa buong komunidad na walang sawang sumusuporta.
Padayon, Project BUMASA! 💙
07/11/2025
Today, the Project Bumasa core team met to review the progress of their ARAL learners. They looked at the wins, the gaps, and the next steps 💙💚💛❤️
07/11/2025
💗💯
04/11/2025
Still fighting. Still believing.
Because one day, we’ll get there — 0 non-readers.
This is Project Bumasa ❤️
Thank you to our English teachers and ARAL Tutors for keeping the mission alive every day. 🥳
04/11/2025
Project Bumasa review, still working, still hopeful, still for our readers. 💙
Our Project Bumasa core team gathered today, right in time for National Reading Month!
❤️
13/10/2025
Sinig**o rin natin na ang lahat ng ARAL learners ay sumailalim sa tatlong yugto ng assessment upang masig**o na sila ay kabilang sa tamang antas ng programa.
Tiniyak natin na tugma ang kanilang kakayahan sa pagbabasa — sa tulong ng ating mga Reading Coordinators at masisipag na ARAL Tutors.
Dahil sa ARAL, bawat batang mambabasa ng Subic NHS ay handa sa pagbabago!
13/10/2025
Mga kaganapan sa ilalim ng Project BUMASA!
Isang buwan na tayong patuloy na umuusad sa implementasyon ng ARAL Program — kasama ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang at ang walang sawang pagtutok upang makamit ang layunin ng programa.
Sa bawat hakbang, mas lumalapit tayo sa pangarap na: Bawat Bata, Bumabasa! 🥳😘
13/10/2025
Ilang linggo na mula nang pasinayaan natin ang Project BUMASA noong Setyembre 2 , at sinimulan nating ipaunawa sa ating mga ARAL learners ang layunin ng programa.
Alam na rin nila ang R.A. 12028 at unti-unti, patunay lamang na mas mabuti at may alam na sila tungkol dito. 🥳
02/09/2025
PROJECT BUMASA GRAND LAUNCH: WALANG MAIIWAN SA PAGBASA
Subic, Zambales — Sa ilalim ng bisa ng Republic Act No. 12028 o ARAL Program Act at alinsunod sa DepEd Order No. 018, s. 2025, buong puso at buong pwersa na inilunsad ng Subic National High School ang Project BUMASA (Building Unified Methods Anchored in Strategic Approaches) at Orientation on the ARAL Program nitong Setyembre 2, 2025 sa Subic NHS Covered Court.
Hindi lamang ito isang programa, kundi isang malaking panata ng Subic NHS: tiyaking walang batang maiiwan sa pagbasa at pagkatuto.
Ang Project BUMASA ay isang harmonized reading program na pinagtutulungan ng mga g**o sa English at Filipino mula Junior at Senior High School. Ngunit hindi dito nagtatapos, ipinakita rin ng Subic NHS ang isang whole school approach kung saan lahat ng g**o, anuman ang asignatura, ay kasama sa laban para sa literasi.
Mula Math hanggang Science, TLE hanggang MAPEH, bawat g**o ay nagsilbing katuwang upang maitaguyod ang kultura ng pagbasa. Ang mensahe ay malinaw: “Lahat ay Reading Teachers.”
Katuwang din sa implementasyon ang mga pre-service teachers mula sa President Ramon Magsaysay State University (PRMSU). Sila ang nagsilbing dagdag na kamay at puso sa remedial teaching, tutorials, at pagbibigay-gabay sa mga mag-aaral na nangangailangan ng masusing suporta.
Ang kanilang presensya ay hindi lamang tulong sa paaralan kundi pagsasanay na rin para sa kanilang hinaharap bilang mga g**o.
Hindi lamang mga g**o at estudyante ang lumahok—aktibong nakiisa ang mga magulang . Sa bawat hakbang, ipinakita nila ang suporta at pang-unawa na ang pagbabasa ay hindi lamang natututuhan sa loob ng silid-aralan kundi higit ding nahuhubog sa tahanan.
Sa pamamagitan ng Project BUMASA at ARAL Program, ipinamalas ng Subic NHS na ang edukasyon ay hindi responsibilidad ng iilan kundi kolektibong paninindigan ng buong pamayanan.
Ang ARAL Program, sa ilalim ng RA 12028, ay higit pa sa isang batas,ito ay simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pangakong walang batang Subikeño ang maiiwan sa pagkatuto.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Subic
2209