DepEd RXII Ricardo O. Avila Memorial ES

DepEd RXII Ricardo O. Avila Memorial ES

Share

14/06/2026

DAHIL SA PATULOY NG PAGYANIG DAHIL SA AFTERSHOCKS; PINALAWIG NI MAYOR ROMEO TAMAYO ANG PAGSUSPENDE NG KLASE HANGGANG HUNYO 15 DITO SA BAYAN NG TUPI.

TUPI, SOUTH COTABATO – Dahil sa patuloy na pagdama ng malalakas na pagyanig o aftershocks na maaaring magdulot ng takot at trauma sa mga bata at mag-aaral, inanunsyo ni Mayor Romeo S. Tamayo ang pagpapalawig ng pagsususpinde ng mga klase sa lahat ng antas hanggang sa Lunes, Hunyo 15, 2026.

Ayon sa alkalde, bagama’t hindi na kasing lakas ng unang lindol, ang mga sunod-sunod na pagyanig ay sapat upang magdulot ng pangamba at pinsala sa emosyonal na kalagayan ng mga mag-aaral, lalo na ng mga kabataan. Layunin ng hakbang na ito na siguruhin ang kanilang kaligtasan at mabigyan ng panahon ang mga pamilya na makabawi mula sa epekto ng kalamidad.

“Patuloy pa ring nararamdaman ang malalakas na pagyanig. Naiintindihan natin na maaari itong magdulot ng takot at trauma sa ating mga bata at mag-aaral. Kaya naman, bilang pag-iingat, pinalawig muna natin ang pagsasara ng mga klase hanggang Hunyo 15,” pahayag ni Mayor Tamayo.

Idinagdag pa niya na ang kaukulang Executive Order ay ilalabas sa lalong madaling panahon upang maging opisyal at gabay sa lahat ng paaralan at tanggapan. Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga paalala ng mga kinauukulan.

Ang MDRRMO at mga kinauukulan ay patuloy na nagbabantay sa sitwasyon at magbibigay ng karagdagang anunsyo kapag ligtas nang ipagpatuloy ang mga klase..

Want your school to be the top-listed School/college in South Cotabato?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Purok 2, Linan, Tupi
South Cotabato
9505