San Lorenzo Marriage Encounter Community
02/05/2026
Minsan akala natin nagmamahal tayo…
pero ang totoo, gusto lang natin manalo sa argumento.
Sa relasyong pang-mag-asawa, hindi madaling aminin na may mga pagkakataon na pride ang nauuna kaysa love.
Yung gusto natin tayo ang tama.
Yung gusto natin tayo ang masusunod.
Pero kung babalikan natin ang tunay na pagmamahal—
hindi ito pagalingan.
Hindi ito paramihan ng tama.
Ang pagmamahal na tinuturo sa atin ay marunong magpakumbaba,
marunong magparaya,
at handang piliin ang isa’t isa kahit hindi tayo ang lamang.
Sa huli, hindi tanong kung sino ang tama…
kundi kung paano tayo magmamahal.
Sa relasyon natin ngayon…
mas pinipili ba natin ang manalo, o ang magmahal?
Click here to claim your Sponsored Listing.