Araw-Araw Gabby-Gabby
06/06/2025
first time mag tiktok
Araw-Araw Gabby-Gabby on TikTok .gabbygab 0 Followers, 0 Following, 0 Likes - Watch awesome short videos created by Araw-Araw Gabby-Gabby
10/05/2025
Walang Perpekto, ngunit May Totoo at Handang Maglingkod.
Walang perpektong kandidato.
Walang perpektong lingkod bayan.
Ngunit sa bawat kilos at salita, may kaakibat akong responsableng aksyon at matalinong desisyon, alang-alang sa bawat Silangueño.
Ako po si Gabby Oliveros, at sa huling araw ng kampanya, buong puso akong humihiling ng inyong tiwala at suporta upang maging boses ng agrikultura, kabuhayan, at tunay na malasakit.
Sa darating na Mayo 12, 2025, huwag tayong bumoto ng perpekto, bumoto tayo ng totoo.
Ako po si Gabby Oliveros, Number 18 sa Balota.
Maglilingkod mula Umaga hanggang GABBY!
07/05/2025
"Big Brother ng Ating Bayan".
"Basta kay Gabby, Always Happy".
"Masarap ang Sinigang, lalo na kung may Gabby Flavor!"
"AGRI-GABBY"
"Maglilingkod mula Umaga hanggang GABBY!"
At higit sa lahat, "Araw-Gabby, walang.............................Sawang susuporta at makikiisa sa usaping pangbayan. Dahil para sa akin, ang tunay na serbisyo ay walang pagod, walang kapalit para sa maayos na kaunlaran at malayang kalakaran sa ating mahal na Silang.
Ngayong darating na Mayo 12, 2025, ako po si Gabby Oliveros,
taimtim na humihingi ng inyong tiwala at suporta.
18 sa Balota.
06/05/2025
Isang Mainit na Pagbati sa ALPHA KAPPA RHO – Tartaria Chapter!
Maligayang ika-34 na Anibersaryo sa inyo, ang Ina ng lahat ng Kapatiran dito sa Silang, Cavite!
Isang karangalang makiisa at bumati sa isang samahang naninindigan para sa Pagkakaisa, Paglilingkod, at Pananagutan. Sa loob ng 34 na taon, ipinamalas ninyo ang tunay na diwa ng Skeptron, matatag sa prinsipyo, bukas sa serbisyo, at may puso para sa kapwa.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Brod. Remuel Capurihan Macatangay sa kanyang walang sawang pagsusumikap upang itaguyod ang adhikain ng kapatiran, hindi lamang sa Tartaria, kundi sa buong bayan ng Silang.
Kasama ninyo kami sa pagpapalaganap ng brotherhood with purpose.
Mula umaga hanggang GABBY, saludo kami sa inyong malasakit at paninindigan!
Maraming Salamat, Barangay Poblacion I!
Lubos po ang aking pasasalamat sa inyong mainit na pagtanggap at buong pusong suporta sa Team CARDO! Ang inyong presensya, pakikiisa, at malasakit ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng pagkakaisa at pag-asa dito sa Poblacion I.
Ang bawat ngiti, pakikipagkamay, at salita ng suporta ay nagsilbing lakas at inspirasyon para sa akin na ipagpatuloy ang laban tungo sa Bagong Silang, isang bayan kung saan ang bawat tinig ay pinapakinggan, at ang bawat mamamayan ay may pagkakataong umunlad.
Kayo ang patunay na ang pagbabago ay posible, basta’t sama-sama at may tunay na malasakit.
Mula umaga hanggang GABBY, kasama ninyo ako sa pagsulong ng makatao, makabayan, at makabuluhang paglilingkod!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
Silang
4118