San Mateo Rizal Gender and Development

San Mateo Rizal Gender and Development

Share

Photos from Mayor Omie Rivera's post 03/12/2025

Free Film Showing of “Lakambini” - a historical documentary-drama highlighting the life and courage of Gregoria de Jesus, Lakambini of the Katipunan.


San Mateo Rizal Public Information Office

Photos from San Mateo Rizal Gender and Development's post 28/11/2025

November 26, 2025 | Sectoral Gender Analysis and Consultation
Formulation of the Municipal Gender and Development (GAD) Code and GAD Plan and Budget (GPB)

Matagumpay na isinagawa ng San Mateo Gender and Development (GAD) Office ang Sectoral Gender Analysis and Consultation na ginanap sa Alberto’s Hall mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM, na pinangunahan ni GAD Officer-in-Charge, G. Rodelio D. Pantaleon.

Dinaluhan ang aktibidad ng 105 na kinatawan mula sa iba’t ibang sektor tulad ng Local Council of Women, persons with diverse SOGIESC, VAWC desk officers, youth at student organizations, persons with disabilities, senior citizens, OFWs, solo parents, farmers, religious groups, civic organizations, at academe.
Aktibo silang nakilahok sa pagbabahagi ng kani-kanilang karanasan, pangangailangan, at mga rekomendasyon para sa pagbuo ng mas inklusibo, makatarungan at gender-responsive na Municipal GAD Code at GAD Plan and Budget (GPB).

Kabilang din sa mga dumalo si Konsehal Mary Grace C. Diaz, Chairperson ng Committee on Women and Family, na nagbigay ng makabuluhang mensahe bilang pagpapakita ng kanyang buong suporta at pakikiisa sa layunin ng aktibidad. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng inklusibong partisipasyon sa pagbuo ng mga polisiya at programang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at pag-unlad para sa lahat.

Sama-sama nating isinusulong ang mas inklusibo, makatarungan, at gender-responsive na Bayan ng San Mateo.

Photos from San Mateo Rizal Public Information Office's post 25/11/2025
24/11/2025

Join Us in the 18-Day Campaign to End Violence Against Women!
November 25 to December 12, 2025

Together, let’s build a future where everyone lives free from violence and fear.

Photos from San Mateo Rizal Septemberfest's post 10/09/2025

Spanish-style Bangus Sardines Making Livelihood Training sa BJMP-San Mateo

Ngayong araw, isinagawa ang isang livelihood training para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng pangangasiwa ng BJMP-San Mateo. Mahigit 40 PDL ang lumahok at natuto mula kay Bb. Elvira Dalofin ng TESDA-Rizal na nagsilbing tagapagsanay.

Ang programang ito ay isinulong ng Gender and Development Office, na patuloy na nagtataguyod ng inklusibong paghubog ng kakayahan at kabuhayan para sa ating mga kababayan.

Bahagi rin ito ng serye ng mga makabuluhang aktibidad na nagbibigay ng sigla at saysay sa pagdiriwang ng Septemberfest 2025.

Photos from San Mateo Rizal Public Information Office's post 06/09/2025

Livelihood program for PDL

Want your organization to be the top-listed Government Service in San Mateo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

General Luna Street
San Mateo
1850

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm