Invest Insure Protect

Invest Insure Protect

Share

27/04/2018

BUILDING YOUR FINANCIAL WELLNESS:
ARE YOU PROTECTING WHAT YOU HAVE?

Karamihan sa mga Pinoy ay masisipag at determinado para umunlad sa buhay. Marami ang nagsusumikap, nagtatayo ng negosyo o kaya ay nagaabroad para matustusan ang mga pangangailangan ng buong pamilya. Sa kasamaang palad, hanggang ngayon, malaking porsyento parin ng ating populasyon ang hirap sa buhay financial. Bakit kaya? Kulang pa ba ang sipag ni Juan? Kulang pa ba ang kakayahan niya sa pagtratrabaho? Hindi pa ba sapat ang mga opportunidad upang umunlad?

Maari na ‘Oo’ ang ating maisasagot sa mga tanong na ito, pero isa sa mga dahilan kung bakit hirap ang Pinoy, ayon sa survey ay dahil sa:

1. Kakulangan sa paghahanda at
2. Kakulangan ng kaalaman tungkol sa . Maaring mataas ang ating pinag-aralan bilang propesyonal. Sapat ang ating kaalaman sa Mathematics, Science o English ngunit ang tungkol sa kalusugang financial ay hindi kalian man naituro sa atin as kolehiyo o sa high school man lang! Ito ang “missing link” sa gitna ng ating kakayahan sa ating propesyon at ang tagumpay para makamtan ang tunay na pagunlad sa ating buhay financial.

Kamukha sa pagtayo ng isang bahay, ang pundasyon ang unang kailangang pagtuunan ng pansin. Ito ay kailangang matibay at maaasahan. Bakit? Ito ang susuporta sa lahat ng parte ng bahay sa oras ng lindol bagyo o baha.

Wala itong pinagkaiba sa ating buhay financial. Kailangan ang matatag na pundasyon. Ilarawan natin.

Maraming mga Pinoy ang matagumpay sa trabaho. Marami ang umuunlad na negosyo. Maraming matatagumpay na OFW ang umuuwi para mamalagi na dito. Marami ang may sapat na kita ngunit kung minsan… pagdating ng mga unos sa buhay ay bigla na lamang guguho ang lahat na naipundar. Ang malungkot, ang mga unos na ito ay sadyang di maiiwasan. Ito ay maaaring:

1. Retrenchment o Redundancy sa trabaho
2. Pagsara ng kumpanyang pinagtratrabauhan
3. Pagsara ng negosyo dahil sa bankruptcy
4. Malubhang sakit gaya ng cancer, atake sa puso, stroke o habang buhay na dialysis
5. Aksidente
6. Kawalan ng kakayahan para magtrabaho dahil sa pagtanda o kaya ay dahil sa pagkabaldado at sa kasamaang palad ay
7. Pagpanaw ng bread winner na kung saan ang malaking nagastos sa intensive care unit, pagkaratay o funeral service ay maipapasa pa sa balikat ng mga pamilyang naulila

At dito na po maguumpisa ang kalbaryo ng isang pamilya na noon ay masasabing may kaya sa buhay. Masaklap di po ba? Sayang ang panahon! Sayang ang ginugol na taon ng pagsasakripisyo! Ito ang dahilan kung bakit di umaangat si Juan sa buhay sa kabila ng sipag, opportunidad, at pagpapasakit.

Ang pundasyon ang pinakaimportanteng parte ng bahay. Hindi ang bubong. Hindi ang dingding. Hindi ang kurtina o kaya ang mga magagarang kasangkapan sa loob nito. Ang pinaka importanteng parte ng bahay ay ang pundasyon! Hindi nakikita. Hindi napapansin. Nakabaon sa lupa pero ito ang sumusuporta sa lahat. Nananatiling nakatayo ang bahay (maliit man yan o malaki) sa gitna ng unos dahil sa isang matatag na pundasyon.

In conclusion, we cannot SHARE/GIVE/DISTRIBUTE/BEQUEATH what we did not ACCUMULATE. We cannot ACCUMULATE what we did not PROTECT!

Want your business to be the top-listed Finance Company in San Fernando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


San Fernando