UniCart PH
13/07/2024
ANAK NG VENDOR NG BINATOG NA GUMRADUATE NG CUM LAUDE HUMIHINGI NG TULONG SA SOCIAL MEDIA UPANG LINISIN ANG PANGALAN NG KANYANG AMA.
"CUM LAUDE
Anak ng magbibinatog at hindi magpapasira sa halagang 13 pesos" -Hannah Clarisse
Viral ngayon sa social media ang isang fresh graduate at Cum laude na humihingi ng tulong upang linisin ang pangalan ng kanyang ama.
Ayon sa post ni Hannah ay pinagbibintangan na nagbulsa ng bayad sa pamasahe na nagkakahalaga ng 13 pesos ang kanyang ama ng isang netizen na si Faith Jeliezl. Nagpost ang netizen kasama ang picture ng kanyang ama. Na labis na ikinasasama ng loob ni Hannah.
"Nangyari to sa mismong araw ng graduation ko!! Wala akong natatandaan na nag abot sya ng pamasahe. Marahil dala ng sobrang kasiyahan dahil sa aking graduation masyado kaming naging excited at nawalan ng pakialam sa paligid, siguro nga katulad ng iginigiit nya na hindi daw naiabot ng daddy ko yung bayad nya sa driver. Kung ganoon man ang nangyari humihingi ako, kami ng pasensya. Kung sakaling nagkamali man ang daddy ko sana nagreach out ka sa amin at hindi nag post sa FB. Kung alam mo naman pala na naibulsa ng daddy ko yung bayad bakit hindi mo sinabi sa kanya? Hinintay mo pa na makababa kami ng jeep." bahagi ng post ni Hannah.
Ngayon ay humihingi ng tulong si Hannah sa kung sino man ang nakakakilala sa nagpost sa kanyang ama, upang kanya itong kausapin sa barangay at gusto nya itong magpublic apology.
"Hindi ako mahilig mag social media, pero hindi ko ito mapapalampas. Malaking kasiraan ito hindi lamang sa tatay ko kundi ganon din sa buong pamilya ko. Ayoko na husgahan ng mga tao ang daddy ko dahil lamang sa napakaliit na bagay na ito."
"Sa mga nakakakilala sa taong nag post nito, maaari nyo po ba ipaalam ang address nya? Gusto ko pong pag usapan ang bagay na ito sa Brgy at gusto ko rin humingi sya ng public apology dahil hindi biro ang damage na naidulot ng ginawa nya sa amin. Hindi ko ito sinasabi para maging masama sya sa paningin ng iba, gusto ko lamang ilinaw na mabuting tao ang daddy ko at kailanman hindi nya gagawin ang ganitong bagay." dagdag pa nito.
📷 Hannah Clarisse Diego / fb
CTTO
06/07/2024
Pag manolo Gilasz mamimigay kami ng relo sa maswerteng magshare at mag-like nito
06/11/2023
Pahiram. Nakakatawa eh 😁
26/08/2022
TRICYCLE DRIVER
Habang naka sakay ako sa tricycle ay biglang nag tanong ang driver.
Driver: college ka na neng?
Tanong ng driver sakin. Nginitian ko ito sabay sumagot.
Ako: opo.
Driver: anong year ka na neng?
Ako: 4th year na po graduating na po.
Nakita kong ngumiti si manong pero hindi umabot sa kanyang mga mata. May bahid ng lungkot.
Driver: pag naka graduate ka na at nag karoon ng maayos na trabaho. Wag mong kalimutan lumingon sa mga magulang mong ginawa ang lahat para sa iyo. Para maging maganda ang buhay mo.
Nalungkot ako sa sinabi nya.
Ako: bakit po manong? Kayo po asaan ang mga anak nyo?
May katandaan na si manong bakas na ang pagod sa kanyang muka.
Driver: mga anak ko lahat tapos ng pag aaral. Isang engineer at isang doctor.
Nagulat ako kay manong. Lahat ng anak ay successful pero bakit namamasada pa.
Ako: e bakit ayaw nyo pa pong huminto sa pamamasada e successful naman po mga anak nyo.
Ngumiti ulit si manong ng may lungkot.
Driver: lahat sila ay nasa ibang bansa na. Kailangan ko mamasada para may maipang buhay ako sa misis ko at sakin. Kailangan namin kumayod para mabuhay kaming mag asawa. Nagagalit kasi mga anak namin sa tuwing tatangkain kong manghingi sa kanila. Kaya eto tuloy ang pasada. Masaya na ako kung maalala nila kaming abutan ng bukal sa loob Nila. Ang sabi nila hindi nila kami obligasyon ng nanay nila. Binuhay namin sila sa mundong ito hindi para hingan ng pera.
Napatulala ako sa sinabi ni manong. Nakita kong bahagyang namula ang mata ni manong at hindi na muling nag salita. Naka dama ako ng lungkot para sa kanilang mag asawa. 😭
-------------------------
© Camille Cruz
Click here to claim your Sponsored Listing.