BRGY. PACO

BRGY. PACO

Share

Photos from BRGY. PACO's post 28/10/2025

Sa pangunguna ni Hon. Isidro Dacles Jr. Brgy. Captain Kasama ang Sangguniang members ay matagumpay na naisagawa ang Feeding Program para sa mga kabataan.

Layunin ng programang ito na mapalakas ang kalusugan, mapabuti ang nutrisyon, at mapaunlad ang kabuuang kalagayan ng mga bata. Sa simpleng pagbibigay ng pagkain naipapakita ang malasakit at pagmamahal ng barangay sa mga susunod na henerasyon.

“Alaga sa Kabataan, Alaga sa Kinabukasan.”

Ang busog na tiyan ay simula ng busog na pag-asa.

Maraming salamat sa lahat ng BHW at BNS sa walang sawang tulong sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain para sa mga bata — sa mga magulang at mga kabataang naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog at maasikasong Barangay Paco.

Photos from BRGY. PACO's post 26/10/2025

BARANGAY ASSEMBLY– 2ND SEMESTER, CY 2025

Pinangunahan ni Hon. Isidro Dacles Jr., Punong Barangay kasama ang Sangguniang Barangay members at Sk official ng Brgy. Paco, Paranas, Samar, ay matagumpay na pagdaraos ng Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng taong 2025.

Layunin ng pagtitipon na maipabatid sa mga mamamayan ang mga programang naipatupad, mga proyektong natapos, at mga planong isasakatuparan ng Pamahalaang Barangay sa susunod na mga buwan at mga taon.

Ang Barangay Assembly ay alinsunod sa mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang instrumento ng transparency, accountability, at partisipasyon ng mamamayan sa pamahalaang lokal.

Tema: “Araw ng pakikibahagi:Solusyon at aksyon ating talakayin ngayong Barangay Assembly”

Want your organization to be the top-listed Government Service in Samar?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Brgy. Paco Paranas Samar
Samar
6703