Municipality of Romblon
02/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Nakiisa si Municipal Mayor Atty. Gerard S. Montojo sa isinagawang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program ng Romblon National High School nitong Hunyo 1, 2026 bilang isa sa mga pangunahing stakeholders na patuloy na sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon sa bayan.
Sa programa, naghatid si Mayor Gard Montojo ng kanyang Message of Commitment, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan, lokal na pamahalaan, mga magulang, at iba pang sektor ng komunidad upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral ng mga kabataan.
Kasabay nito, muling ipinahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon ang buong suporta nito sa mga inisyatiba ng mga paaralan na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, naipapakita ang diwa ng bayanihan at sama-samang pagkilos para sa paghahanda ng mga paaralan sa panibagong taong panuruan.
23/05/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Isinagawa noong Huwebes, Mayo 21, 2026, sa Public Plaza ang pamamahagi ng unang batch ng Fuel Subsidy Cards para sa 261 na mangingisda mula sa Department of Agriculture โ Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ang bawat fuel subsidy card ay may halagang โฑ3,000 na maaaring magamit ng mga benepisyaryo sa pagbili ng diesel o gasolina sa mga gasolinahang may POS machine.
Pinangunahan ang distribusyon kasama sina Provincial Fishery Officer na si Luisito Manes at OIC SB Fernando โCaboโ Faigao bilang bahagi ng patuloy na suporta sa sektor ng pangisdaan at kabuhayan ng mga mangingisda.
20/05/2026
โ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฎ๐ธ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ ๐ธ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎโ
Ito ang naging makabuluhang pahayag ni Municipal Mayor Atty. Gerard S. Montojo sa isinagawang Provincial Agriculture and Fishery Meeting cm Talakayan na โAtin ang Kinseโ na ginanap ngayong Mayo 20, 2026 sa Aspire Farm, Brgy. Mayha, Odiongan, Romblon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin Mayor Gard ang kahalagahan ng patuloy na pangangalaga at mahigpit na pagbabantay sa 15-kilometer municipal waters upang maprotektahan ang karapatan at kabuhayan ng maliliit na mangingisda laban sa pagpasok ng mga commercial fishing vessels sa loob ng municipal waters.
Ipinahayag din niya ang kanyang matibay na paninindigan para sa sektor ng pangisdaan, na nagsasabing ang serbisyo at pagtindig para sa kapakanan ng ating mga mangingisda ay mananatiling prayoridad at responsibilidad na higit pa sa anumang posisyon.
Patuloy ang pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan sa kampanyang โAtin ang Kinseโ para sa mas matatag na proteksyon ng municipal waters at ng kabuhayan ng ating mga mangingisdang Romblomanon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Romblon
5500