Ang aking tula
18/05/2026
"Hihintayin kita"
Ikaw ang pag - ibig na inaasam ko
Ikaw lang babaeng gugustohin ko
Alam kong bawal pa
At alam mo ring hindi pa
Pag - ibig na mula sa itaas
Ang siyang mag bibigay - basbas
Siyang bahala sa umpisa at wakas
Hihintayin kita, sa bawat bukas
At kung dumating man ang tamang oras
Na ang loob mo ay lumakas
Nandito ako at hindi mawawala
Pag - ibig ko sa iyo ay walang hangana
Pag - ibig mo man ay mag bago
Sakin ay mananatili, tapat at totoo
Tatangapin kung sino ang iyong iibigin
Pag tingin mo sa akin, ay hihintayin pa rin
Mahalin ka man ng iba
Ibigin mo man ay iba
Piliin mo ay iba
Para sa akin, ikaw ay iisa
Ikaw ay hihintayin
Gaano man katagal, ikaw ang hangarin
At kung sa paghihintay ko'y mawala ka
Tatangapin ko, masakit man at mabigat
"Hihintayin hanggang sa maging puwede na, at kung hindi man ako ang piliin mo. Magiging masaya ako para sa inyo. Yayakapin ka sa pangarap at panaginp ko."
Anong magandang gawan ng tula? 🤔🤔🤔
23/04/2026
Hihintayin
Ikaw ang pag - ibig na inaasam ko
Ikaw ang babaeng gugustohin ko
Alam kong bawal pa
At alam mo rin hindi pa
Pag - ibig na mula sa itaas
Ang siyang mag bibigay basbas
Siya ang mag bibigay ng umpisa at wakas
Hihintayin kita ng maraming bukas
At kung dumating man ang oras
Na ang loob mo ay lumakas
Nandito ako sa iniwan nating bakas
Bakas ng nakaraang pag - ibig na walang wakas
Pag - ibig mo man ay mawala
Sakin ay mananatili, hanggang sa mawala
Tatangapin kung sino ang iyong iibigin
Pag tingin mo sa akin ay hihintayin pa rin
Mahalin ka man ng iba
Ibigin mo man ay iba
Piliin mo ay iba
Ako, ikaw ay nag iisa
Ikaw ay hihintayin
Hanggang ang puso ay himatayin
At kung sa paghihintay ko'y mawala ka
Iyon ay aking pag sisisihan at tatangapin
01/05/2025
MAHALIN MO’KO
Ako ang una mong dapat Unahin
Ako ang dapat mong mahalin
Unawain mo ang aking damdamin
Dahil ako Ito, kapag tumitingin ka sa salamin
Mas uunahin mo ba ang iba?
Sa kanila kaba sumasaya?
Hindi ba dapat ako muna?
Unahin mo munang lumigaya ka
Hindi sila ang tutulong sayo
Hindi sila ang susuporta sayo
Darating ang araw na iiwan ka nila
Sila ang kokontra
Sa iyong mga pangarap at ambisyon
Sila ang unang hihingi ng comisyon
Sila ang mga taong ibaba ka
Ang iyong moral at pangarap, hihilahin nila
Kaya’t mahalin mo’ko
Mahalin mo ang sarili mo
Kung paano mo sila Pag alalahanan
Kung paano mo sila pinag silbihan
Na tila ba Ikaw ay bayaran na merong utang
Utang na hindi basta- basta lang
Utang na pang habang buhay
Na tila sila ang nag bigay ng iyong buhay
Kahit hindi naman
Kahit Wala naman
Hindi ka nila dapat p**i alamanan
Wala silang idinagdag Sa iyong kalamnan
Kaya’t mahalin mo’ko
Ako ang tutulong sayo
Ako ang aalalay sa pangarap mo
Sa mga ambisyon mo
Bonus ang mga taong suportado ka
Kabilang ang iyong pamilya
Idagdag mo ang tunay mong tropa
Pati na rin ang itinuri kang ka-pamilya
Sila ang klase ng taong totoo
Na sa iyo ay suportado
Taong tutulong sayo
Taong may motibasyong ibibigay sa iyo
“Ang mga taong bonus sayo ay piliin mo rin, hindi lahat totoo at suportado sayo, maging mabuti ka pero wag kang papaabuso. HINDI LAHAT GUSTO KA”
30/03/2025
UTANG NA LOOB
Ang utang na hindi kayang bayaran
Ng Kahit na sinomang mayaman
O kahit pa ang ordinaryong mamamayan
Ay hindi maka alis, sa ganitong patakaran
Na animo’y isang sumpa
Na ginagawa ka nang alila
Ito ba’y tama?
Sa sestemang saliwa ?
Ikinukulong ka sa kanilang paniniwala
Sa tagal ng panahon
Kailan ka paba makakaahon?
Hanggang sa Ikaw ay mapariwara?
Huwag kang pakain sa sestema
Puwede mo naman silang idedma
Huwag kang susunod sa kanila
Meron kang sariling mga paa
Huwag ka pa kontrol
Sila naman ang maghahabol
Hindi ka a*o para tumahol
At hindi ka a*o para maulol
Kapag wala na sila? Hindi Mona kaya?
Patunayan mong may kamay at paa ka
“Na mabubuhay ka kahit wala sila
Baka sila ang di mabubuhay pag wala ka”
Tumakas sa sestema na yan
Hindi ka Nila taohan
At hindi ka rin naman bayaran
Para sa kanila ay mag ka utang
Ang tulong ay tulong
Ang bigay ay bigay
Ang bayad ay hindi bigay
At ang utang ay hindi tulong
Mapa pera man o serbisyo
Huwag kang mag hintay ng pabalik sayo
Ibinigay mo ng kusa at maluwag sa loob
Huwag mong sumbatan at sabihan ng “UTANG NA LOOB”
“Ang UTANG NA LOOB o pag tanaw sa pinanggalingan ay ikalabuti mo sa kinabukasan. Ang kabayaran nito ay kung ano ang ibinigay o isenerbisyo sayo at hindi Ito ra*on para dumikta ka ng kabayaran sayo.”
“HINDI LAGING IKAW”
Kahit pala ang Isang malakas
Puwedeng maging mahina madalas?
Hindi ba Ito ang tinatawag na Malas?
O d kaya yung tinatawag na pagka dulas
Yung lakad mong maangas
Meron kang matatapakang maaligasgas
Kung minsan pa may kasunod itong pa dulas
Ganon pala ang daan, di mo alam ang bukas
Kung inaakala mo na laging kang malakas
Na laging kang mas mataas
Paano mo masasabing ang mundo ay patas?
Paano mo sasabihing ang sistema ay walang pa dulas?
Hindi ba’t ang lahat ay mahina?
At Ito ang unang nating pahina
Kung saan tayo ay walang wala
Kung saan tayo nag uumpisa
Hindi naman basta basta ang husay
Dumadaan ito sa proseso ng buhay
Kung saan tayo nag kakaroon ng saysay
Kung saan rin tayo sinasanay
Para maging Isang matatag
Kung paano tayo magiging panatag
Dadaanan mo muna ang pinaka mahirap—
Na proseso upang Ika’y magsumikap
Para kung dadaan mo muli ang mga ito
Ang maaligasgas, ang madulas ,kakakayanin mo
Hindi kana mahihirapan, madali nalang para sayo
Para rin maintidihan mo
Kung Bakit tayo dumadaan ng prosesong ito
Para maintindihan natin ang mundo
Na hindi laging masaya,hindi laging ikaw
Na hindi laging malakas, hindi laging may araw
“Dumadating ang dapit hapon
Umiikli ang panahon
Lumulubog ang araw
Hindi laging ikaw”
08/03/2025
Mahalaga,Importante
Alam mo ba ang halaga ng pera? At ng Isang kaibigan? Parehong sumisira at sumusukat ng pagkatao mo.Parehong mahalaga at importante sayo Diba totoo?
At alam mo bang puwede tong mawala ng sabay sayo? Paano? Simple lang , life style mo Kapag pabaya ka ng pareho Kapag gastodor o gastadera ka mauubos ang pera mo ganun din Sa kaibigan Kapag pabaya ka na lagi kang Libre, mabait ka lagi kang moody at magagalitin pu- puwedeng maubos o mawalan ng ka ng kaibigan , yan ang katotohanan.
Paano ko naasabing sumusira ang kaibigan? At importante sayo? Madalas nasa atin ang Suwerte ng buhay Sa kanila nmn halos kamalasan,Inggit,selos at galit ang ugat kung bakit ka sisisrain nito at hindi ka papayag Dahil importante siya sayo yun ang totoo.
Susukatin ka kung gaano siya kahalaga sayo Kadalasan na gagamitin niya sayo ay ang panunumbat, panduduro susukatin niya ang tatag mo Hanggang Sa sumuko ka Dahil kilala ka na niya at alam niyang iiyak ka Dahil siya lang ang Meron ka. Pero sasabihin ko sayo na normal lang Ang lahat nang yan lahat ng mag kakaibigan dumadaan dyan miski ako dinanas ko yan 2 times pa maging matatag at totoo ka lang Meron ka pang pamilya. At Ito ang tatandaan mo may kaibigan kang totoo na hindi ka iiwan maaring Hindi mo pinapansin Pero yun ang totoo.
Mauubos ang pera Kapag pabaya ka Lalo naman Sa kaibigan Kapag sinanay puwede kang abusahin Gamitin ka ganun ang laro ng cycle ng kaibigan may verse ang bible Sa Isang tunay na kaibigan “ Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon” it means sa may pera ka Sa Wala Andyan siya masaya ka malungot galit ka still support siya Sasamahan ka niya Meron namang naka subaybay lang at alam Ang nangyayare. “Hindi mo man kasama lagi he/she is true friend” observant people Ang need mo.
“Ang tunay na kaibigan maasahan mo Sa lahat ng Panahon pilin mo ang taong totoo at hindi ang sumusuko agad”
04/03/2025
With Julius Mantala – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
TULAD NG ARAW
Mainit ang araw
Tulad sa pag tanaw
Ng mga mabubuting bagay
Kung saan tayo inilagay
Ng ating may kapal
Mainit kung tayo’y banal
Sa ating pag panaw
Luha’t lungkot ang mangingibabaw
Tulad ng araw
Tayo ay sisikat at lulubog
Kaya’t tayo’y mag pakahubog
Upang sa pag panaw
Ang ating araw ay sulit
At hundi sayang ang buhay
Gumawa ka ng mabubuting bagay
Sapagkat ang buhay ay hindi na mauulit
Sisikat tayo tulad ng araw
Ngunit Meron itong hangganan
Tulad ng hagdan
May paakyat at pababa upang matanaw
Ang hinanarap mong Pag lubog
Pagtapos mong mahubog
Tulad ng ibong lumilipad
Babaksak ka’t makakaladkad
Kaya’t Ika’y lumakad
Sa direksyon kung saan ka uusad
Kung saan ka matototo
Kung saan ang mga tao ay totoo
“Ang buhay natin ay parang araw sisikat tayo pero lulubog rin tayo may lakas at kahinaan pero wag na wag tayong susuko kapit lang sa Dios”
04/03/2025
February 25,2025
13/02/2025
AYOS LANG
Kamusta ka? (Oky lng)Ayos ka pa ba?(Mdyo)
Meron na bang nag tanong sayo? (Kunte)
Na kung “okay ka pa ba”( wla na)
Okay lang yan pareho tayo
Tara tayo’t mag kape
Para Ikaw ay maging kampante
Kunting kuwentohan
Lagyan na rin natin ng iyakan
Ohh heto tinapay
Pang patibay
Sa bawat hamon ng buhay
Maging totoo ka at tunay
Oh ano kaya mo pa ba?
Okay lang umiyak ha
Nandito ako para sumoporta
Aalalayan sa oras ng wala ka na
(E Ikaw?) Ayos lang ako
(Sure ka?) Oo, medyo
Pero kakayanin ko
Sino ba ako para sukuan ang problemang to
AYOS LANG, Totoo lang
AYOS LANG, Mahina minsan
AYOS LANG , Pahinga lang
AYOS LANG , Oras lang ang inaasayan
Meron akong sinasandalan
May tula akong pinag lalaanan
Sa oras ng aking kalungkotan
May Dios akong iniiyakan at sinusumbongan
01-13-25
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
1860
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |